Friday, August 25, 2017

Pahinging focus

Bale habang nagmumuni-muni habang kumakain, napagtanto na kaya siguro wala lang ako gana ay dahil nagkukulang lang talaga ako ng malaki sa focus sa thesis.


Na yung focus ko ngayon ay napupunta sa mga nagawa rati at mga gustong gawin in the future. At saka, siguro masasabi rin na mali lang yung napaglalagyan ko ng focus ngayon dahil mas madali mag-focus doon kesa sa hinaharap ko ngayon.

I find myself these past weeks looking at the zestiness of other people's lives (e.g. watching vlogs, spending time at social media). Siguro dahil naiinspire rin ako na maging ganoon sana ang life, yung tipong may active and masayang life and living life to the fullest. Pero kasi, kung mapapansin mo yung background ng mga tao, tapos na sila sa kanilang pag-aaral e. Nakatapos na sila ng kolehiyo. Nakatapos na sila ng isang kabanata ng kanilang buhay. Habang ako, on the way pa lang ang pagtatapos.

Okay lang ma-inspire sa mga ginagawa nila, pero huwag naman sana makalimutan na mag-focus sa studies. Iba rin kasi kapag may diploma. At saka, para matapos na rin ang bittersweet privelege na ito. Pero sana, ma-enjoy ng sarili ang pag-aaral habang nandyan pa sa stage na iyon dahil iba pa rin ang pakiramdam ng nag-aaral sa nagtatrabaho na.

It looks like from time to time, kailangan ma-remind ang sarili na isang privelege ang pag-aaral, lalo na sa kursong ito. Although it sometimes look like some sort of suffering, iba ang blessings na makukuha rito.

Basta, all I need right now is:

Ngayong umaga

Sa aking paggising at pag-iisa, grabe. Unang pumasok sa isip ko na ayoko na talaga gumawa ng thesis. Gusto ko lang humilata at magmuni-muni tungkol sa mga naging kapabayaan ko sa life. Hahahuhu. Nagising ako before 6AM dahil sa paggising sa akin ni mother. Sasabay sana ako sa kanila pumasok. Kailangan ko pa kasi makabalik ng McKinley dahil naiwan ko yung school ID ko sa isang office roon nung nag-data gathering ako two weeks ago. Huhuhu.

Nung napagdesisyunan ng sarili na huwag na lang sumabay, at sa susunod na linggo na lang sumabay sa kanila, napag-isipan ko na lang magmuni-muni habang nakahilata.


Shemay. Ayoko na talaga gumawa ng thesis. Gusto ko na lang magtrabaho para kumita ng pera, and at the same time, gusto ko lang tumambay sa bahay at manood or magbasa or matuto ng new skill. Ito yung thought na madalas tumatambay sa akin nung mga nakaraang linggo kaya hindi rin ako makagawa ng maayos. Huhu.

Napamuni-muni rin ako na bakit ganito ako. Isang friendly reminder yung napanood ko na latest vlog ni Wil Dasovich na we must live our lives to the fullest. Doon sa video niya, napatanong na naman ako sa sarili. Ano ba itong ginagawa ko sa buhay?

Natamaan ako sa ibang quotes ni Wil. Huhuhu. Here are some:
"If an opportunity doesn't knock, build a door."
"Don't sit around and wait for the opportunity. Go around and create it." 
Wala lang. Share lang. Saglit lang ako nakapagmuni-muni then nakatulog na. Kakagising ko lang ngayon. Medyo pinagsisihan ko na nakatulog ako. Sana nanood na lang ako ng isang episode ng kdrama. Hindi ko pa rin matanggal sa life ang pagkahilig sa tulog.

Kailangan ko na talaga magpuyat these days para hindi ako magahol sa mga susunod na araw. Unti-unti na rin lumalapit na ang thesis deadline.

Thursday, August 24, 2017

Oh yeah.

One hour ago, sobrang wala talaga akong gana. Huhuhu. Pero worth it pala talaga na pilitin ang sarili despite na sobrang walang gana ang sarili. Kakatapos ko lang mag-compute ng number of users para sa development ko nung nagsulat ako ng previous blog entries. Huehuehue.

Katuwa lang. May chapter 10 na ako. Wooo. Recommendation lang ang nilalaman ng chapter 10. May draft na rin ako ng chapter 9. Yeeeey. Findings and conclusions naman ang nilalaman ng chapter 9. Gusto ko man ituloy pa, kaso inaantok na rin ako. Hopefully magising ng maaga maya-maya para matuloy kaagad yung mga kailangan pang gawin. And hopefully, may gana na rin ako gumawa.

Overall, another achievement muli ito despite ng walang gana sa paggawa. So, yeeeey.


So far, malapit na pala ako mangalahati ng thesis book. Bale ito na lang yung mga kulang pa siguro:

1. Research topic explanation / justification (Ilalagay sa chapters 1 & 3)
2. Chapter 2 - Systems of Research
3. Micro site analysis (part ng Chapter 4)
4. Chapter 5 - Architectural Programming
5. Chapter 8 - Matter of Finance
6. Conceptual Site Development Plan
7. Header ng thesis proposal

Thank you, Lord. Sorry po sa lahat. Huhuhuhu.

Wednesday, August 23, 2017

Nako nako

Ayoko na talaga. Gusto ko lang matapos na yung thesis. Shemay nawawalan talaga ako ng gana. Huhu.

Noon, gustong-gusto ko pa makasama sa best thesis pero these past few days, ang mahalaga na lang sa akin ay makapasa kahit hindi na makasama sa best thesis. Wala talaga akong gana. Sorry, parents. :(

Siguro kaya ako nawawalan ng gana kasi napapaisip ako these days ng mga what ifs na iyan. What if kung nagwo-work na ako ngayon? What if kung kumikita na ako? What if kung graduate na ako? What if kung hindi ako na-irreg noon? What if kung hindi architecture yung kinuha kong course? Saan na kaya ako ngayon?

 

Currently, ito yung favorite GIF ko. Hahaha. Super relate lang. At saka, ganito yung nangyayari sa akin these past weeks. Just contemplating life and my past mistakes and shortcomings. Huhu.

Haaaaay buhaaaaaay

Error 404. Gana Not Found.


Sobrang wala akong gana gumawa. Huhuhu. Ayan tuloy naaapektuhan na yung pag-update ko sa blog. Huhuhu. Error 404. Gana not found. Sorry for the lack of updates.

Pero the good news is, na-overcome ko na yung panghihinayang ko sa thesis proposal ko. Hahahaha. Yeeey. Siguro dahil nakakuha na rin ako ng information regarding doon and nakapag-site visit na rin.

Anyway, let's recap kung anu-ano mga nangyari sa mga nakaraang linggo. Maybe I'll post some entries about those events.

1. Unang linggo ng Agosto (Hulyo 31 hanggang Agosto 5)
- Bumisita at nag-site visit ng limang araw (Hulyo 31 hanggang Agosto 5). Ito yung rason kung bakit sobrang nanghihinayang ako sa thesis proposal ko. ANG LAKI NG GASTOS. Huhuhu. Pero, nice experience naman at saka, somehow, lumawak ang mga lupang natapakan.

2. Pangalawang linggo ng Agosto (Agosto 7 hanggang Agosto 12)
- Tanging pag-inquire lang nagawa ko rito sa isang office sa McKinley Hill. Mali pa napuntahan kong branch office. Huhu. Pero oh well. At least, nakapag-case study ako rito sa Venice Canal Piazza. Haha. Regarding sa thesis work, itong linggo ako nagsimula mag-recycle ng gawa mula sa dating thesis. Tinanggal ko lang yung mga information mula sa dating thesis na hindi related sa bagong thesis proposal na tinuloy ko.

3. Pangatlong linggo ng Agosto (Agosto 14 hanggang Agosto 19)
- Yung Lunes at Martes ng linggong ito, sobra ako natutuwa dahil may saysay na rin ang ginagawa ko sa buhay. Hahahaha. Rito ako nakapagsimula ng seryosong paggawa ng thesis. Pero naudlot ito pagdating ng Huwebes. Nawalan na naman ako ng gana. Huhu. At pagdating naman ng Agosto 19, hindi ako nakaabot sa consultation sa thesis adviser dahil maaga siya umalis sa school. Huhu.

4. Pang-apat na linggo ng Agosto (Agosto 21 hanggang ngayon, Agosto 23)
- Kahapon lang at ngayong gabi ng Agosto 23 ako muli nakagawa. Pero wala pa rin masyadong laman yung chapter 5 ko, which is Architectural Programming. Isa't kalahating araw na ako rito sa user analysis and computation sa dulo ng chapter 4. Huhuhu.

Kung titignan mo, mas mahaba pa yung araw ng pagmumuni-muni at pagkawalan ko ng gana kesa yung mga araw ng paggawa ng thesis. Siomai. Nakakahiya. Sorry, parents.


E kasi naman, mas madali nga naman magmuni-muni kesa gumawa. At saka, kung titignan yung mga tao sa paligid ko, karamihan sa kanila graduate na at kumikita na. Samantalang ako, naka-enroll pa rin sa school at gumagawa ng college thesis. Alam ko naman na dapat hindi mag-compare dahil may kanya-kanya tayong timezone sa mga bagay-bagay, pero kasi, hindi mo rin maiiwasan mag-compare lalo na't nakikita mo ang sarili na napag-iiwanan na.

Pero dude, dapat enjoyin mo na lang yung pagka-stay mo riyan sa school. Halos lahat sila sinasabi naman nila na mas masaya yung school life kesa work life, kaya sulitin mo na habang nandyan ka pa. Kumbaga, focus on the present!


Friday, July 28, 2017

Yehey!

After two weeks ng pagmumuni-muni na nakakatamad gumawa ng chapter 3 ng thesis book (kasabayan nito yung panghinayang series) at parang mas maganda pa yung gawa ng chapter 3 ng friend ko (humingi ako ng file ng thesis niya para gawing guide), meron na rin ako! Although hindi pa tapos, pero kaunti na lang talaga, tapos na yung chapter 3! Local case study na lang, pati isang article para sa review of related literature.

Sobrang tuwa ko talaga na natapos na rin yung foreign case study. Yehey!

Achievement unlocked.


It may look like a small achievement, pero malaki na ito para sa akin.

Sobrang natutuwa talaga ako. Siguro kaya ako ganito natutuwa dahil mas mahaba na rin yung oras na nailaan ko sa thesis ngayong araw kesa kahapon. Kahapon kasi, 2 1/2 hours lamang habang ngayong araw, doble na.

Thursday, July 27, 2017

Consultation Day 2

9AM daw nasa school si thesis adviser.

10:30AM na ako nakarating ng school.

Expectation:

Me to self: "Nako, baka mamaya may pila na yan sa pagpapa-consult."

Reality:

Me to self: "Nasaan ang pila?"

And things went well, although ang tanging nagawa ko lang ay pagpapapirma ng mga kakailanganin na liham para sa thesis data gathering. Hindi pa rin ako tapos sa iba pang parte ng iba't ibang thesis chapters dahil nawawalan ako ng gana gumawa. Huhuhu.

Pero ang bilis lang talaga ng consultation na iyon. Share lang.

Wednesday, July 26, 2017

Note to Self #10

Tanggapin mo na lang yung mga nangyari. Move on, dude. Sayang ang time.

Tandaan, napakapangit sa pakiramdam ang magahol sa oras. Never again.

Note to Self #9

Don't ever befriend complacency, or make it a habit.

Even if it's just in your wildest dreams, don't.

No choice.

Hindi mapigilan ng sarili ma-down kahapon sa labis ng panghihinayang. Alam mo yung mga "what ifs"? Ayun din ang isa sa mga tumatakbo sa isipan ko kahapon, bukod sa "sayang". Napagdesisyunan din ng sarili na tumigil na lang din sa paggawa muna ng thesis dahil sa mga nangyari. Sobrang nakakapanghinayang talaga kasi e. :(

Hindi ko aakalain na sa aking pagmumuni-muni kagabi, nakatulog ako bandang pagabi na. Paggising ko, ika-8:30 ng gabi. Hello muli sa sirang body clock.

Pagkabangon, wala na rin ako balak ituloy pa ang thesis at pinagbukas na lang ang gawaing thesis. Naisipan ko magbasa na lang ng isang magazine at libro, pati ituloy na lang din ang kasalukuyang pinapanood na kdrama na Reply 1994. Para mahimas-masan ang sarili. Para makabangon muli kinabukasan. Natigil ako sa episode 16 nung makitang sobrang relate ako roon sa isang eksena sa episode, na naka-post dito mula sa mga nakaraang entries.

At may nakita na naman ako mula sa episode 16.


















Screenshots from Reply 1994 episode 16












Sobrang nakaka-relate lang. Huhuhu. Oo, no choice na talaga ako ngayon kundi tanggapin na lang kung ano ang nangyayari. At kung nalagpasan ng sarili itong problema, e di okay.

Bakit ba kasi wala ako gana gumawa ng mga matitinong thesis proposals noon? Ayan tuloy. :(

Pero dude, tama na yung panghihinayang thinking hours. Sayang yung oras sa paggawa ng thesis. Sapat na ang kagabi sa pansamantalang pagtigil sa paggawa ng thesis. (Siguro kaya rin nanghihinayang ang sarili dahil mas madali gawin iyon kesa sa mismong thesis. Hahaha.)

Later that night, pagkatapos matapos ang episode 16 ng Reply 1994, napa-research ako sa Google kung paano ma-overcome ang ganitong pakiramdam ng panghihinayang. Sobrang overwhelming talaga yung panghihinayang na iyon, at nakakatakot na rin yung laki ng panghihinayang.

Umokay nga pala ang kalagayan mula sa panonood ng kdrama at pagbabasa. Thank God. Sa kasalukuyan, ongoing ang pagiging okay. Kahit na hindi maiiwasan maisip yung mga magagandang posibilidad sa ibang thesis proposals, ang mahalaga ay may approved thesis proposal ako.

Ika nga ni mareng Alicia:


Tuesday, July 25, 2017

Why o why?

Bakit yung mga magagandang ideas, late mo na lang naiisip? Kung kailan desidido ka na at pinili mo na yung iyong desisyon, at kung kailan nangyari na ang lahat, doon lang susulpot yung magandang idea na iyon.

Yung dating thesis ko kasi, yung akala ko na hindi ko na lang itutuloy dahil mahirap yung data gathering (napaka-time consuming kasi tapos wala pang assurance na matutulungan ka huhu), ay pwede pa pala masalba. Pwede ko naman palitan na lang yung thesis title nun, as long as relevant pa rin sa dating thesis title. Less hirap na sa data gathering, less work na rin para ma-complete ang thesis book dahil halfway done na iyon. Kagabi ko lang iyon napagtanto.

Kung kailan nakagastos na sa mga kakailanganin para sa bagong thesis proposal.

Sayang talaga. Sayang talaga. Napakalaki talaga ng aking panghihinayang. Kaya pala ganoon na lang din yung pagdadalawang-isip ko ituloy yung bagong thesis proposal. Nanghihinayang ako sa naging gastos talaga.


Sa mga nangyayari sa akin ngayon, nae-entertain ko na yung thought na gusto ko na lang mag-work para mabawi ko yung malaking nagastos sa thesis na ito.

Nawawalan na ako ng gana gumawa ng thesis dahil sa sobrang panghihinayang. HUHUHU.

Wednesday, July 19, 2017

Huhuhu.


Screenshots from Reply 1994 episode 16
Ilang oras din ako naganito simula nung mapagtanto ko na pwede pa pala ma-push yung isang 
proposal ko. Huhuhu. Namoblema talaga ako roon sa site dahil yung site ng magiging thesis proposal ko, hindi na sa kanila yung nakalagay na site roon sa proposal ko. Mas madali kasi ma-approve ang isang thesis proposal kung may site na naka-indicate. Nabalitaan ko na lang kasi na nabili na ng iba yung target site ko. Hindi na appropriate yung site para sa thesis proposal ko, e baka mamaya niyan kung tinuloy ko pa rin, maluto ako sa jury dahil may nakakaalam pala nung kalagayaan ng site. Yari ako niyan.

Sayang talaga yun. Nanghinayang talaga ako roon last week. Tapos kaninang past 8PM, napagtanto ko na may tinatawag nga palang "site selection" doon sa book chapters ng thesis. Pwede naman ako maghanap pa ng iba pang site as long as wala pang masyadong info tungkol sa magiging site ng project.

Ang problema, hanggang ngayong Sabado na lang (ika-22 ng Hulyo) ang deadline ng pagpapa-approve sa mga profs ng thesis proposals. Tapos kailangan muna ng pirma ng adviser bago magpapirma sa iba pang profs. Tuwing Sabado lang yung thesis adviser namin sa school.

Hindi na ako aabot kapag pinush ko pa.

Kaya ayun. Napatigil na lang ako sa paggawa ng chapter 1 ng thesis dahil bakit ngayon ko lang naisip iyon? Sayang talaga! Nanghihinayang kasi ako sa magiging gastos sa thesis proposal ko na malayo pero approved na ng iba't ibang profs. Ilang libo rin kasi kaagad yung magagastos para lang makuha yung data and other related information. :(

The question right now is: Bakit hindi ko inentertain yung thought last Saturday na papirmahan pa rin yung proposal na iyon na malapit kahit na naisip ko na ituloy ko na lang yung proposal na malayo dahil approved na? Naisip ko na talaga nung Sabado ipa-approved yun, kaso bakit hindi ko inentertain yung thought? HUHUHU. Kasi naisip ko that time na huwag na lang papirmahan yun e dahil "sure na raw" ako na ituloy yung proposal na malayo.

Hello, complacency. You're bad. :(

Sobrang naiinis talaga ako sa sarili ko. BAKIT HINDI AKO NAG-IISIP? Kaya pala ganoon na lang ang pagdadalawang-isip ko ituloy na lang yung thesis proposal na malayo. :(

Bakit ba ngayon lang ako nakakapag-isip ng maayos? Bakit hindi ako masyadong nag-research noon ng mga proposed projects na malapit lang? Bakit hindi ko masyado binigyan pansin yung mga recycled thesis ko na pinasa ko na lang basta-basta for approvals? Recycled thesis proposal lang itong proposal na malayo from last year na inapproved ng profs ngayong taon.

SOBRANG NANGHIHINAYANG TALAGA AKO SA MAGIGING DAGDAG GASTOS KO SA THESIS. Pero wala e. Ano gusto mo? Ituloy na lang yung thesis na magastos na kapag pumasa ay may chance makapag-martsa sa susunod na taon o maghintay na lang ng panibagong semestre/pasukan para makapagpa-approve ng thesis na malapit at makakatipid?

Simula ngayon

Nadadama ko na na matagal-tagal muli bago ako makakatulog ng mahimbing at maayos. Simula na rin kasi "officially" ng paggawa ko ng thesis. Sa second week pa ng Setyembre ako muli makakatulog ng mahimbing.

Hindi rin kasi ako makagawa ng maayos dahil somehow may attachment pa sa dating thesis. Huhu. Yung tipong baka nga mamaya may paraan pa maisalba yung dating thesis. Hindi ko pa lang nakikita. At saka, yung pagkasabi sa akin ng isang kakilala na sa kanya magpa-consult, medyo na-attached ako roon. Most likely, ito ang rason kaya siguro hindi ako makapagsimula kaagad gumawa ng thesis dahil dito. Although alam ko na hindi naman siya mag-eeffort maghanap ng other data and info para masalba yung dating proposal ko (dahil may mga iba pa siyang gawain), somehow kailangan masabi sa kanya na yung bagong proposal na lang yung gagawin ko. Tipong dating closure ito. Haha. Usapang dating proposal kasi nung sinabi niya sa akin na sa kanya na lang ako magpa-consult. At hindi ako makapagsimula ng maayos hangga't hindi ko pala nasasabi na yung bagong proposal na lang yung itutuloy ko, knowing na mas makakabuti nga talaga na yung bagong proposal na lang gawin ko kesa yung dati. Alam ko na tatanggapin naman na yung desisyon ko, kasi thesis ko pa rin ito.

Truly, words are powerful enough to make one stay and hold on. So dude, be careful about what you will say to people.

And kahapon, nasabi ko na rin sa kanya. Dapat din pala noon ko pa iyon ginawa para hindi sayang oras. Huhu. Oh well. Late ko na rin kasi naisip e. Nanghihinayang pa rin ako roon sa dalawang linggo (kahit na nag-data gathering lang naman ako nun kung alin ang gagawin ko sa dalawang thesis). Hindi rin ako makagawa ng maayos ng book chapters dahil sa mga what ifs na naiisip regarding sa dating proposal.

It's no use na to make hinayang doon sa dalawang linggo. Kailangan mag-focus na talaga sa paggawa ng thesis.

It's comeback time.

Tuesday, July 18, 2017

Ngayong araw na ito...

...wala na naman ako ginawang trabaho related sa thesis. Anubayan.

E kasi naman, nagdadalawang-isip pa rin ako hanggang ngayon, kahit na sinabi na ng mga kaibigan ko na yung bagong thesis proposal na lang yung gawin ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan manghinayang doon sa dating thesis proposal ko. Nadale lang naman ako sa mga sumusunod:
1. curriculum (school kasi yung dating thesis ko)
2. case study (kulang yung efforts ko mag-case study noon)
3. site (hindi pala bagay yung thesis project doon sa site dahil malapit sa commercial area)
4. owner ng proposed thesis project (dapat nag-integrate na lang ako sa isang kilalang institution)

Deep inside, gusto ko pa rin talaga ituloy yung dating thesis proposal ko, kaso kasi yung feasibility issues talaga. At saka yung data gathering, mahirap gawin dahil wala pa masyadong studies tungkol sa thesis project ko. :(

Parang no choice na talaga ako ituloy yung bagong proposal para lang makapasa na.


Monday, July 17, 2017

Consultation Day 1

My friend and I ay nagpa-consult sa aming thesis adviser one time. Si friend ang nauna magpa-consult kay thesis adviser habang ako ay willing to wait naman. Then dumating na rin yung time ko para magpa-consult kay thesis adviser.

Ako: "Good morning po. Papa-consult ko lang po yung chapter 2 (which is yung systems of research/methodology)."

Thesis adviser: "O, nasaan na yung chapter 1 mo?"

Ako: "Uhm wala pa po akong gawa pero dala ko naman yung proposal ko."

Thesis adviser: "O, bakit walang statement of the problem. Yung goals and objectives mo hindi naka-define ng maayos."

Ako: "Ahhh. Sige po." Sinabi ko na lang ito para matapos na. Hahaha.

May iba pa ako pina-consult sa thesis adviser. Okay naman ang kinalalabasan. Pero mapapansin mo talaga na puyat pa si thesis adviser kaya unawain na lang natin.

Sunday, July 16, 2017

Ano nga ba talaga?

Dude, parang dalawang linggo ang sinayang ko. Sayang talaga yung dalawang linggo na iyon para makagawa ng thesis. Although binalaan na sa akin si friend na dapat bago magpasukan magpasiya na ako kung itutuloy ko pa ba yung dating thesis na ginawa ko nung nakaraang pasukan, ang hirap pa rin magdesisyon lalo na kung nakakarinig ka ng iba't ibang opinyon tungkol sa iti-thesis mo.

May na-approve kasi sa akin na bagong thesis proposal, although recycled proposal lang iyon mula nung nakaraang taon. Haha. Bale yung dalawang linggo na iyon pagkatapos maapprove ang bagong thesis proposal (maaga naapprove ito yeeey) ay napunta sa pagmumuni-muni kung ano nga ba talaga gagawin kong thesis. Pero dapat hindi ko isipin na sinayang ko lang ang dalawang linggo na iyon dahil nangalap naman ako ng opinyon kung itutuloy ko pa ba yung dating nagawa o magsimula na lang muli ng panibago. Sa loob ng dalawang linggo, dapat isipin ng sarili na nanigurado lamang ako para hindi masyado manghinayang sa dulo. Nanigurado lamang ako kung may posibilidad pa ba makalusot sa thesis defense yung dating nagawa, at para na rin makatipid sa mga magiging gastusin sa paggawa ng bagong thesis.

Salamat ng marami sa mga nakausap ko at naging desidido na rin ako na bagong proposal na lang yung itutuloy kong thesis ngayong taon. Maganda sana talaga yung nagawa kong thesis nung nakaraang taon pero may feasibility issues nga lang. At saka wala masyadong data na makukuha kaya mahirap mag-data gathering hindi tulad ng approved thesis proposal ko ngayon na madali lang makakuha ng data dahil feasible, need, at proposed talaga na gagawin. Yung thesis ko kasi nung nakaraang taon, gawa ko lang talaga iyon kaya nahirapan din ako mangalap ng mga impormasyon.

Oras na para gumawa ng thesis, para maka-graduate na rin.

Uy hindi na rin ako masyadong naglalaro ng Everwing. Share lang. Parang saglit lang yung hype sa akin, out of curiosity.

Sunday, July 2, 2017

Note to Self #8

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Gumawa ka na ng thesis proposal.

Everwing pa.

Friday, June 30, 2017

The Thesis Proposal Struggle

Me: "Tinatamad talaga ako. Huhuhu. Ayoko naaaa."

Also me: "Gawin mo na at ayusin yang mga thesis proposals mo para sa ikauunlad ng buhay mo. Ika nga ng friend mo, 'Prove to them that comeback is real.' Huwag mo na isipin na nakakatamad. Mahiya ka rin sa mga magulang mo, woi. Gumawa ka na lang diyan para maka-graduate na."

Past 11PM na.

At wala pa rin ako masyadong ginagawang proposals para sa consultation bukas.

May klase kami bukas sa aming thesis subject na Architectural Design 9. Kailangan makapagpa-consult sa aming thesis adviser dahil Sabado lang daw siya nasa school. Individual ang thesis na ito kaya kailangan maging tutok sa paggawa ng thesis proposals. Paunahan pa sa mga ideas. Huhu. Kapag may kamag-aral ka na kapareha mo ng idea, at siya ang nauna makapagpa-approve kesa sa'yo, nasa kanya na ang karapatan kung iyon na ba talaga yung gagawin niyang thesis project o hindi. Pwede kasi na magkaroon ka ng lagpas isang thesis proposal na na-approve ng mga prof.

Iba na rin ang kalakaran ngayon sa pagpapa-approve. Noon, may tinatawag kaming "Thesis Evaluation Committee" o mas kilala bilang "TEC". Sila ay kinabibilangan ng mga thesis advisers nung nakaraang taon. Sila ang taga-evaluate at taga-approve ng thesis proposals. Kailangan sa isang proposal, magkaroon ka ng dalawang approved mula sa tatlong TEC para magawa mo na yung thesis project mo na iyon. At kailangan dalawa o higit pa ang ma-approve na thesis proposals mo. Pang backup yung ibang approved kung sakaling nagkaroon ng problema roon sa pinursue mong approved thesis proposal (hal. ng isang problema: nag-groundbreaking na yung project. Bawal yung mga projects na nag-groundbreaking na bilang isang thesis proposal.)

Tapos simula ngayong taon, tinanggal na nila ang TEC. Bale sa limang prof ka na magpapa-approve -- Dean, thesis adviser, at tatlong random architecture professors ng kolehiyo. Kailangan maka-limang approval ka para mai-push mo ang isang thesis proposal mo. Pero kung hindi ka dumaan sa Research Methods for Architecture o RMA (isang subject ito tuwing 4th year college na kung saan ginagawa ang research para sa mga magiging thesis proposal) ni Dean nung nakaraang taon, ang mangyayari magpapa-approve ka ng thesis proposal sa thesis adviser mo at sa apat na random architecture professors. Pwede ka rin magpasa kay Dean ng thesis proposal mo total faculty pa rin naman siya ng kolehiyo.

At eto ako ngayon, imbes na gumagawa ng proposals o nag-aayos ng files para sa consultation bukas, nandito ako. Haha.

Ewan ko ba kung bakit tinatamad ako gumawa. Pramis. Sabi pa naman ng isang kaibigan ko, ito na ang comeback. Pero ewan. Tinatamaan talaga ako ng katamaran at hindi mapigilan maging masyadong bilib sa sarili na kaya gumawa ng proposal sa loob lang ng iilang oras. Ang pangit ng ganitong pag-iisip pero dahil sa katamaran, nagagawa ko. Huhu.

Tulong po!

Saturday, June 17, 2017

Ang Hamon

Isang araw ng thesis deliberation period para sa Design 9 (thesis) noong nakaraang taon bandang buwan ng Setyembre, habang kaming magkakaibigan ay nakatambay sa tapat ng Dean's Office, bumukas ang pinto ng Dean's Office at sumilip palabas ang Dean ng college namin. Napatigil kaming magkakaibigan sa pagkukwentuhan para batiin si Dean pero tinignan lang niya kaming magkakaibigan ng mabuti hanggang nagkita ang mga mata ni Dean sa mga mata ko.

"Oh, halika rito," sabi ni Dean na may kasamang pagkilos ng kamay papasok ng kanyang opisina.

Sumunod naman ako. Sinundan ko si Dean hanggang makarating doon sa may lamesa niya sa loob ng kanyang opisina. Umupo na si Dean sa kanyang upuan.

Akala ko uutusan niya ako. Hindi pala.

May chika si Dean.

Non-verbatim:

Dean: "Uy alam mo ba yung isang estudyante ko, ikakasal na."

Ako: "Ohhh? Talaga po?"

Dean: "Oo, tapos tignan mo itong wallpaper ng PC ko."

Ako: *tumingin sa wallpaper ng PC niya at medyo nagulat*

Dean: "Ang sarap-sarap ng hamon. Sana mag-Pasko na."

Ako: "Oo nga po ee. He he he." (hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa mga oras na ito huhu pero hindi ko talaga aakalain na hamon ang wallpaper sa kanyang PC)

Dean: "Osya. You may go na." *with matching kilos ng kamay palayo*

Thursday, June 15, 2017

Freshie Days

2011. First semester. Section 1-3 days.

Kakatapos lang ng klase namin sa Graphics 1 na subject. Kanya-kanyang ligpit ng gamit pang-arki para makakain na rin ng lunch bago pumunta sa susunod na subject sa kabilang gusali. Nung kakalabas lang namin ng aming kwarto, may napansin kaming mga higher year na gumagawa ng kanilang plate para sa isang subject.

Napatigil kami sa aming paglalakad nang mapansin ang mga detalye ng mga gawa nila. Ang daming specifications at dimensions na nakalagay. Yung tipong parang totoong plano na talaga yung ginagawa nila para sa isang totoong proyekto.

Hindi namin mapigilan ang aming pagkamangha sa kanila. Sabi namin sa higher years, "Wow ang galing niyo naman po."

"Hala hindi naman," sabi ng isang ate na higher year na ngumiti sa amin. Medyo mukha na rin siya nagmamadali sa mga oras na iyon. Pasahan ata ng plate nila.

Umalis kami roon na may dalang pagkamangha sa mundo ng arkitektura.

Makalipas ang dalawang taon, nalaman na lang namin na "Building Technology" pala ang pangalan ng subject na iyon.

At kaya pala dapat hindi kami mamangha sa oras na iyon ay dahil binakat lang pala o kinopya ng higher years yung plate nila mula sa iba pang plate, o kaya roon sa sample plate na pinamahagi sa kanila noon sa subject na iyon.

Napagtanto na lang namin ito nung kami na rin mismo ganoon na rin ang ginagawa namin. Ha ha.

Wednesday, June 14, 2017

Buhay Blog

May mga pagkakataon na dumating na ayaw ko na talaga mag-blog. Yung tipong ayaw mo na magsulat ng entries para sa blog dahil pakiramdam mo, parang naghahanap lang ikaw ng atensyon (kahit hindi naman) at nakikihugot dahil nauuso (kahit hindi naman). Ayan kasi minsan yung nakikita o naririnig minsan mula sa society. At dahil overthinker ako minsan, hindi maiiwasan na maisip ang mga iyon. Takot din ako maging ganoon.

Pero dude, pake ba nila? Hahahahaha.

Isang rason din pala kung bakit minsan ayaw ko na mag-blog ay dahil nahihiya ako. Nahihiya ako na baka makita ito ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Yung malalaman na lang nila na ganito pala ako. Hahahahaha. Nakakahiya. Hahahahahaha.

I enjoy the company of my own thoughts. Saka na lang magkwento. Haha.

May mga pagkakataon naman na gustong-gusto mo magsulat, pero wala ka maisulat, kahit alam mo na marami ka naman pwede isulat para sa blogs mo. Hello, writer's block. May times naman na meron talaga pwedeng maisulat pero wala lang talaga sa mood para magsulat. Huhu.

Pero kahit ano man ang mangyari, mukhang bumabalik pa rin yung kagustuhan makapag-blog muli. At mangingibabaw ito kesa sa kahihiyan. Dito rin minsan sumasaya at gumagaan ang pakiramdam dahil nailalabas ang mga naiisip. At saka, okay na rin yung pag-blog dahil you have something to look back to, diba?

Wednesday, May 17, 2017

Pitong Napagtanto Mula Sa CONEX 2017

CONEX 2017 at SMX Convention Center
Ang United Architects of the Philippines (UAP) ay nagho-hold ng isang official convention exhibition sa SMX Convention Center tuwing buwan ng Abril. Mas kilala itong convention na ito bilang CONEX. May mga seminars sa event na ito pati na rin ang pag-showcase ng iba't ibang produkto, serbisyo, at teknolohiya. Kadalasan libre lang ang admission dito at marami ka pang makikita at matututunan.

Nag-solo flight ako ngayong taon. May mga bagay lang ako na napagtanto. Ngayon ko lang ito naisulat. Hahaha.

1. Ang CONEX ay isang magandang oportunidad para matuto o malaman ang mga realidad sa mundo ng arki, na hindi matututunan kaagad sa loob ng silid-aralan.

2. Marami pa nga talaga hindi ko alam sa mundo ng arkitektura at konstruksyon. May mga bagay pa rin na hindi ko pa rin alam kung ano ang kanyang gamit at kung paano ginagamit.

3. Minsan masaya mag-solo flight sa mga ganitong events. Matututo ka talaga mag-rely sa sarili. At saka, there's satisfaction in anonymity.

4. Pero minsan malungkot sa pakiramdam na mag-isa ka sa mga ganitong events dahil ang mga taong nakakasalubong mo, may mga kasama at minsan grupo pa sila umiikot. Ang hirap din minsan kasi wala kang karamay sa saya and learning.

5. Dito mo minsan makikita o mararamdaman na kapag wala ka pang masyadong nararating (halimbawa: hindi ka pa arkitekto, atbp.), hindi ka papansinin masyado ng ibang booths. Hindi sila yung kusang lalapit sa'yo. Isang realidad.

6. Kahit hindi ka masyado pinapansin or ineentertain dahil estudyante pa lang, hindi naman ibig sabihin nito hindi mo na sila pwede lapitan o kaya mag-inquire roon sa booth na iyon. Dito mo makikita na kapag wala kang ginawa, wala ka rin mapapapala. Kadalasan naman, kapag ikaw ang unang kumilos, ieentertain ka nila.

7. Kaya huwag mahihiyang magtanong. Huwag mahihiyang sumubok. At huwag mahihiyang magkamali. It's part of the growth process.

Minsan

Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung ano nga ba ang ginagawa mo sa ngayon sa buhay, at kung ano nga ba talaga gusto mo marating sa buhay. At saka kung masaya ka nga ba talaga kung nasaan ka man ngayon.

Tuesday, May 16, 2017

Nakalimutan ko.

Regarding sa previous entry, tamad nga pala akong tao.

Bahala na talaga sa lahat.

Monday, May 15, 2017

Hello.

Gusto ko magsulat dito palagi pero hindi ko na rin alam kung ano pwede ko isulat kasi napapaisip din ako kung bubuhayin ko pa ba yung isang blog ko sa WordPress. Hahaha. Balak ko roon ilagay lahat ng may "feels". Kaso hindi ko rin alam kung ano pwede or magandang isulat. Pakiramdam ko kasi somehow medyo pinipilit ko yung feels minsan, kahit hindi naman palagi.

Anubayan. Sabi ko pa naman buhay arki yung isusulat ko rito pero hindi ko naman nagagawa, yung tipong buhay arki galing sa point of view ko, tapos nakasulat pa sa Tagalog. Anyare? Huhuhu. Pakiramdam ko tuloy puro pagra-rant lang ang ginagawa ko rito. Hahaha. At saka hindi pa purong Tagalog ang pagsusulat ko rito. Huhu.

Kailangan ko talaga ng tulong, tiyaga, at disiplina.

Hindi ko naman talaga binalak mag-arki. Naligaw lang naman ako rito. Pero throughout ng pag-aaral ng arkitektura, natutunan ko naman din ito bigyan ng pagtingin. Isa sa mga rason kaya nabuhay itong blog ay para lumakas pa lalo ang pagtingin ko sa arkitektura. Isa rin sa paraan para lumakas ang pagtingin ay ang pagbili ng mga shirts na may nakalagay na architecture-related stuff, atbp. Pero siguro ang pangunahing rason talaga ay para lang may mga masusuot ako pamasok.

Siguro pagpapatuloy ko na lang talaga itong blog bilang isang informal blog or something. Random thoughts collection bukod sa journal sa bahay.

My Kind of Summer

*Disclaimer: Photo's not mine. Credits to the owner. Original post can be found here.

Wednesday, April 26, 2017

Feels Night

PUP Memes just said my feelings.









Sobrang tagos ng nitong tweet sa puso.

Sunday, April 16, 2017

Stagnant

Me: "Anubayan. Bakit ang stagnant-stagnant ko sa life? Huhuhu."

Also me: "Ikaw kasi e. Hindi ka kumikilos. Wala kang ginagawa. Saan ka makakarating niyan?"

Friday, April 14, 2017

Ewan

Friend: "Ano simula nung kantang 'Ewan'"?

Me: "Hindi ko alam--"

Friend: "Ay hindi mo rin pala alam."

Thursday, April 13, 2017

Company

Non-verbatim:

Friend: "Uy anong magandang company?"
Me: "Yung company ko. Hahahahaha."


Pero ang nangyari, non-verbatim:

Friend: "Uy anong magandang company?"
Me: *sends links of directories* "Check mo na lang siguro ito. Hahaha. Good luck!"


Bakit ba kasi nahiya pa ako magbiro? Huhuhu.

Ang Pag-Update

Hohohohohoho. Tagal ko na rin pala hindi na-update ito. E kasi naman, naging shy type ako sa pagpo-post ng thoughts ko online. I mean, there's this feeling na baka mamaya attention seeker ako kahit hindi ko naman intensyon maging attention seeker. Pero ang main reason kung bakit hindi na na-update ang blogs ay dahil nawalan ako ng gana sa pagsusulat online.

Anyare ba?

Isa sa mga pakiramdam ko kung bakit ako tumigil sa pagsusulat online ay dahil nadadala ako sa paligid, especially sa social media (e.g. Thought Catalog articles, spoken poetry, etc.). Hindi ko naman sila sinisisi dahil syempre nagpa-impluwensya ako, unexpectedly (dahil at the end of the day, ikaw pa rin ang gumagawa ng mga desisyon, diba?). Nadadala ako sa mga hugot-hugot at something-something, which is dapat hindi. Yung may times na tipong pinipilit ko na somehow ang sarili na humugot or magsulat ng ganoon noon na dapat hindi ganoon. Wala lang. Share lang.

Btw, kung babasahin niyo yung previous entries ko rito, halatang nasa second stage (anger) ako ng depression noon. Hohoho. Pero ngayon, nasa stage 4 (depression) going stage 5 (acceptance) na me sa ngayon habang sinusulat ito.

Sa totoo lang, nasa stage pa rin ako kasalukuyan kung saan stuck ako sa buhay, kung ano nga ba talaga gusto kong gawin, at kung paano simulan o ipagpatuloy ang mga gusto kong gawin. Kung bakit nandito pa rin ako, kung bakit napaaka-stagnant ko, kung bakit ganito ako at hindi ganoon ganyan. Hindi naiiwasan minsan sa stage na ito ang pagkumpara ng sariling kalagayan sa ibang tao. Halimbawa na lang nito ay karamihan ng mga kakilala ko nagtatrabaho na, may sarili na silang pera. Tapos pagtingin ko na lang sa sarili ko, mapapa-hello tambay na lang ako. (Rito na pala pumapasok ang thought na may kanya-kanya tayong timezone kaya dapat hindi maiinggit sa iba. A friendly reminder lang.)

Ika-apat na buwan na ako ganito ngayong Abril, although mas malala pa kesa rito talaga yung kalagayan ko noong nakaraang buwan. I'm living in regrets talaga noon. Up until now pa naman I'm living in regrets, pero hindi tulad ng dati na sobrang bigat yung tipong isang Antonov An-225 (heaviest aircraft, with maximum takeoff weight of 640 tons) ang bigat.

Hmmm. Mapapaisip ka na lang kung ano connection nitong article sa arki e. Hahahahahaaayyy.