Nung napagdesisyunan ng sarili na huwag na lang sumabay, at sa susunod na linggo na lang sumabay sa kanila, napag-isipan ko na lang magmuni-muni habang nakahilata.
Shemay. Ayoko na talaga gumawa ng thesis. Gusto ko na lang magtrabaho para kumita ng pera, and at the same time, gusto ko lang tumambay sa bahay at manood or magbasa or matuto ng new skill. Ito yung thought na madalas tumatambay sa akin nung mga nakaraang linggo kaya hindi rin ako makagawa ng maayos. Huhu.
Napamuni-muni rin ako na bakit ganito ako. Isang friendly reminder yung napanood ko na latest vlog ni Wil Dasovich na we must live our lives to the fullest. Doon sa video niya, napatanong na naman ako sa sarili. Ano ba itong ginagawa ko sa buhay?
Natamaan ako sa ibang quotes ni Wil. Huhuhu. Here are some:
"If an opportunity doesn't knock, build a door."
"Don't sit around and wait for the opportunity. Go around and create it."Wala lang. Share lang. Saglit lang ako nakapagmuni-muni then nakatulog na. Kakagising ko lang ngayon. Medyo pinagsisihan ko na nakatulog ako. Sana nanood na lang ako ng isang episode ng kdrama. Hindi ko pa rin matanggal sa life ang pagkahilig sa tulog.
Kailangan ko na talaga magpuyat these days para hindi ako magahol sa mga susunod na araw. Unti-unti na rin lumalapit na ang thesis deadline.
No comments:
Post a Comment