Wednesday, December 28, 2016

When Katamaran Strikes

Madalas nakakatamad naman talaga ang mga bagay-bagay. Ewan ko ba kung bakit, o sadyang makikita lang na nawalan na ako ng gana sa mga bagay lalo na sa mga bagay na nagbibigay aliw o ligaya sa akin noon na ngayon, wala na. Siguro nawalan na rin ako ng drive o kaya nasa bagong kabanata na rin ako ng buhay. Ganito ba kapag adulting na?

Naalala ko lang nung ininterview ako para sa isang trabaho. (Akalain mo yun nag-apply ako? Hahaha.) Habang tinatanong ako ng boss tungkol sa mga bagay-bagay sa resume ko, kalahati ng utak ko sumisigaw deep inside ng "Ayoko na. Gusto ko na umuwi."

Bakit? Ano ba nangyari?

Dahil napagtanto ko na ayoko ng pumapasok. Gusto ko hawak ko ang sariling oras sa trabaho. Gusto ko kumita ng pera ng wala masyadong ginagawa. Roon ko nakita na natural na pala sa akin maging tamad, na isa pala talaga akong tamad na tao na mukha lang minsan na masipag.

Sa bagay, kapansin-pansin din na kapag hindi ko nakikita ang isang bagay na dapat gawin ay hindi ko ito kaagad ginagawa. Tinatamad kasi maghanap. Kapag naman hindi nasunod ang plano sa utak, hindi na rin tatapusin o itutuloy pa. Minsan pa nga kapag may inaabangan at dumating na ito pagkatapos ang paghihintay, hindi ko na rin ito papanoorin o aabangan pa. Ewan. Napagod siguro o kaya ayaw lang madisappoint? Basta may times na hindi ako naghahanap ng paraan dahil ako ay tinatamad.

Ang gulo ng pagkakasulat ko nito. Wala lang. Gusto ko lang mailabas ito. At tinatamad pa ako ayusin ito. I just let my ideas and the words flow lang sa ngayon e. Salamat nga pala sa pagbabasa.

Wednesday, December 14, 2016

Haaaaaay

The struggle is real.

Haaaay

Sobrang bigat lang sa pakiramdam.

Mixed emotions.

Nakakatulong yung pagbabasa ng libro ni Nick Vujicic na "Life Without Limits". Isang malaking "touche" yung librong iyon. Medyo somehow nabawasan ng kaunti yung dinadala mula roon. Pero akala ko unti-unti na ako magiging okay. Naiinis ako sa sarili ko, sa mga nagawa kong desisyon sa buhay. Ayan tuloy tignan mo kung nasaan ako ngayon. Hello muli mula sa rock bottom.

Naghahalo-halo silang lahat simula kagabi bago ako makatulog hanggang sa pagkagising ko. Mukhang tinatamaan na naman ako kung ano man ito. Hindi ko talaga mapigilan. Yung usual self ko, normally naka-get over na pagkatapos magmuni-muni saglit. Kaso diba, the string broke.

Hindi ko alam kung tama ba yung mga naging desisyon ko sa buhay tulad nung sa work, kung dapat nga ba isang buwan or isang linggo lang. Halos lahat ng mga nagawa kong desisyon sa buhay na nagkaroon ng pagkakamali sa dulo ang umaatake sa akin. Napapaisip kung bakit hindi na lang yung isang choice yung pinili ko, kung bakit mas inuna ko pa yung iba e pwede naman unahin ang sarili that time total understandable naman na thesis yun e? Bakit ako madaling bumigay at napakamahiyain para magsalita sa mga bagay-bagay? Bakit hindi ko mapigilan na mababa ang tingin ko sa sarili, na mas mahalaga pa yung idea, suggestion, o opinyon ng kausap ko kesa sa akin? Bakit minsan hinahayaan ko na lang hindi i-correct yung ibang tao kahit alam na alam ko yung sagot? Bakit takot ako minsan magsalita sa mga bagay na nararapat? Bakit natatakot ako minsan sa mga opinyon ng mga tao, kaya hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin tulad ng paglitrato? Bakit ba kasi may paki pa ako sa mga iniisip ng tao, sila ba may-ari ng buhay na ito?

Siguro pwede na ako gumawa ng kwento na may pamagat na "Tales From The Rock Bottom" no?

Sa pagsusulat ngayon, parang pinagsisishan ko pala na i-give up yung slot na iyon. Oo, nakatulong ako. Pero kasi, ako yung sumalo ng dapat kasalanan nila na dapat sila ang sumalo. Napasa sa akin na dapat naman talaga hindi para sa akin. Bakit kasi ni-let go ko pa yung pagkakataon at ibinigay iyon sa iba? Nandoon na e. Sorry talaga. Hindi ko mapigilan na maging ganito ang nararamdaman ko.

Tuesday, December 13, 2016

Mga Bagay na Ayokong Marinig Dito Sa Rock Bottom

Nauunawaan ko na kaya nasasabi iyon ng mga tao ay dahil gusto nila mag-comfort. Yung iba naman, mema lang. Kaso diba nga, iba't iba ang wiring ng mga tao. No one's the same. So here's a list of things na ayoko maririnig sa pagcomfort na sa akin:

1. "Okay lang 'yan."

Dude, it's not even okay in the first place.

2. "Normal lang 'yan."
Alam ko normal lang na makaramdam ng ganito, obviously. Lahat ng mga tao may kanya-kanyang problema. Pero kasi, I don't find these words comforting or helpful at all. Mas mabuting tumahimik ka na lang kesa sabihin pa iyan sa akin.

3. "I-distract mo lang sarili mo."
Been there, done that. Ano nangyari? Somehow, lumala. Hindi ko maayos hinarap ang mga bagay-bagay dahil sa distraction. Ayan tuloy. Siguro may problema lang sa pag-manage ko ng tasks.

4. "Na-depress siya dahil sa thesis."
Hindi thesis ang sanhi nito. Nasa quarter-life crisis pala ako all this time simula nung bagong academic year. Tulad ng sinabi ko nung una, naging magandang distraction ang thesis pero nung nawala ito, naging major trigger naman.

So far, ayan pa lang yung mga linyang ayoko marinig. More to come.

Happy weeksary.

Nagising ako sa ngawit ng batok mula sa pagkatulog. Pagmulat ng mga mata, ang dilim. Umuulan pala.

Malungkot na nga ako, lalo lang ako naging malungkot.

Ewan ko ba. Naiisip ko tuloy na sana na lang, isang linggo lang ang sinabi ko sa break na ito at hindi isang buwan. Somehow parang ang kailangan ko lang ay preparation para hindi mabigla sa work. Pero hindi ko rin kasi masasabing isang linggo lang ang kailangan ko that time. I was so very down that time. Lahat ng mga bagay na nagpapalungkot sa akin in life -- insecurities, disappointments, failures, shortcomings, etc. -- nagsama-sama lahat nung panahong iyon. I need more space and time para makabalik sa usual na ako. Pero kasi, sa nararamdaman ko ngayon, parang sana na lang pala isang linggo na lang yung sinabi ko. Parang kasi sapat na pala yung isang linggo. At least diba kapag umuuwi ako niyan after work, makakakita pa ako ng Christmas lights.

Pero kasi, hindi rin natin masasabi pala na isang linggo lang ang kailangan ko that time. Pinakamatindi na kasi ito, 'tol. Hello from rock bottom nga pala.

Looking back, it's been a week na pala simula nung mangyari iyon.

Happy weeksary.

Monday, December 12, 2016

Wala akong gana.

Wala akong gana magbukas ng social media accounts. Hindi ko kaya tumugon sa mga tao. At saka, nalulungkot lang ako sa sarili ko sa mga nakikita ko roon.

Wala rin akong gana kumain minsan. Yung tipong nagugutom ka na yet nakakayanan mo matiis yung kumakalam mong sikmura.

Wala akong gana minsan lumabas sapagkat nade-drain kaagad ang energy ko. Hindi naman pwede malaman lahat ng mga tao itong pinagdadaanan ko. Nakakapagod magsuot ng maskara.

Walang gana na rin ako magbasa-basa at manood minsan.

Nawala ang joy in the simple things in life. Hindi ko alam kung paano ko nalalagpasan ang bawat araw. Siguro napaka-negative lang ako ngayon kaya ako ganito ngayong araw compared sa nangyari sa akin sa mga nagdaang araw.

Basta alam ko sa sarili ko na wala akong gana ngayong araw.

Ayoko maghanap o gumawa ng distraction para rito kasi matagal na rin ako gumawa ng mga distractions noon at paggawa ko ng distractions noong akala ko okay ako, hindi ko naharap ng maayos ang mga dapat harapin noon pa. Kaya please, huwag na huwag niyo sasabihin sa akin na maghanap ako ng distraction dahil sa paghahanap. Ayan tuloy, tone-tonelada sila ngayon sa akin. Nadagdagan na nga, dumami pa.


Napagtanto

Hindi pala thesis ang dahilan ng mga nangyayari sa akin ngayon. Trigger lang ang thesis. Nasa quarter-life crisis pala talaga ako all this time. Hindi ko kasi aakalain na ganito ako ngayon mula sa inaasam ko nung elementary at high school days. Hindi na-meet ang expectations ko kung saan dapat ako sana ngayon dahil hindi pala ako naroon ngayon. Malayo-layo pa talaga ako.

Kaya please, ayoko makarinig ng dahil sa thesis ako nagkakaganito. Subconsciously kasi, parang matagal na itong quarter-life crisis sa akin simula nung magsimula ang academic year dahil sa maraming factors. Naging mabuting distraction lang mula sa thought na iyon ang thesis. Kaso hindi ko rin aakalain na yung mabuting distraction na iyon ay magiging isang trigger din.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung dapat ko ba isulat ang mga ito rito. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ito ang mga nangyayari sa akin, kung bakit ako nahulog sa baba. Hindi ko alam kung dapat ito ba ang nararamdaman ko, o dahil para masabing may hugot ako sa mga sinusulat ko ngayon para makasabay sa agos ng nauusong pagsusulat na may hugot.

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Siguro ayoko lang mag-isip kaya sinasabi ko na lang na hindi ko alam.

Sa pagmulat ng mga mata kanina, naiisip ko na magsulat dito, na ibuhos ang lahat ng mga nararamdaman dito sapagkat sa mga nagdaang araw, hindi ako makasulat sa journal ko. Siguro kaya hindi ako makasulat doon kasi nararamdaman ko na baka mag-overthink lang ako. Pero naiisip ko na rin na kaartehan lang itong nangyayari sa akin, na kaya naiisip na kaartehan ito ay para tumigil na kaagad ang sarili sa pagdaramdam ng ganito, kahit na alam ko naman na may mali talaga sa akin ngayon, kaso hindi e. Wala akong magawa sa nararamdaman ko ngayon, tapos naguguluhan pa.

Grabe lang talaga e. Ang laki talaga ng inis ko sa sarili ko ngayon.

Akala ko buhay arki lang ang mga isusulat ko rito. Akala ko mame-maintain ko ang blog na ito sa pagkwento ng mga ganap sa buhay arki na nararanasan ko. Akala ko talaga magiging active itong blog. Kaso hindi e. Ang daming factors kung bakit hindi ko maayos na naipatakbo itong blog na ito. Sa pagsusulat ko nito, mas nalulungkot lang ako lalo sa sarili ko dahil sa mga plano ko na hindi ko nagawa ng maayos. At itong thought, ngayon ko lang ito naisip. At dinadagdag nito ang bigat ng mga dalahin sa buhay.

Wala talaga ako magagawa sa nararadaman ko ngayon e. Ganoon talaga. Rito na lang muna ako at magpapalipas, umaasa na darating ang panahon na magiging okay muli ako, na hindi ko na masasabi ang linyang, "Akala ko okay ako." Kaso hindi na rin ako umaasa sa ngayon darating pa iyon. Iwan niyo na lang ako rito.

Thursday, December 8, 2016

Note to Self #7

Huwag pagsamahin ang dalawang lakad sa isang araw unless napaka-importante gawin ang isang araw sa araw na iyon.
Ang pangit lang sa pakiramdam na naco-compromise yung isang lakad.

Sunday, November 27, 2016

Anyare?

Ayun. Hindi ko masasabing okay ako e. Tinatamaan na naman ako ng quarter-life crisis. May mga nagti-trigger pa along the way, especially sa socia media accounts. Hindi ko mapigilan na i-compare ang sarili sa mga narating ng mga tao. Hindi ko kasi aakalain na ganito pa rin ako hanggang ngayon, na halos hindi gumagalaw sa kinatatayuan. Kung gumalaw man, napakabagal naman.

Akala ko okay ako. Hindi pala. Yun pala, parang sinasabi ko lang na okay ako sa iba para maniwala rin ako mismo sa sarili ko na okay ako, para hindi na rin sila mag-alala pa. Siguro kaya ko lang din nasasabi na okay ako ay para hindi na nila maramdam ang burden ng mga problema ko. At isa pa, parang hinihintay ko yung mga kaibigan na pipilitin kang mag-open up kung talaga bang okay ako, para makita ko kung sino nga ba talaga willing makinig sa akin at hindi magsasalita ng mga kung anu-ano sa mga pinoproblema ko.

Magma-monthsary na pala yung araw na iyon. Happy monthsary. Dapat pa bang ikaligaya iyon?

Tuesday, October 18, 2016

Hooray! Hoorah! Huhu!

Sa wakas, tapos na rin ang delibs day! Woooooo~ Hindi ako kinabahan nung araw na iyon dahil deep inside, I know my thesis my heart. Haha. Gusto ko lang talaga matapos ang araw na iyon. Puyat pa naman ako nung araw na iyon.

Laking pasasalamat ko nga pala sa mga dumalo at nanood ng aking thesis delibs. You're da best, guys! :) Pasensya na kung yung naging outcome ay hindi yung inaasahan natin. Hahahahuhu. Everything changed when the fire nation attacked!

Super late na pala ng post na ito. Sayang hindi ako nakapagpost kaagad last few weeks. Oh well. Ganoon pala yung pakiramdam ng walang gana. Nangyayari pala talaga iyon. Napapanood ko lang kasi iyon dati. Haha. At saka, tinamad ako nung mga nakaraang araw dahil mas pinipili ko na lang magbasa. Huehuehue.

And if you find yourself asking, dude, okay na ako. Don't worry. :)

Anyway, halos isang buwan na pala ang aking series na "I Have All The Time in the World". Hahaha! Gawan ko kaya iyon ng web comics, total, I really have all the time in the world ngayon?

Tuesday, September 20, 2016

Ngayong araw na ito...

...tamad na tamad ako.

Hindi ko alam kung bakit. Siguro pagod na rin deep inside mula sa kaba at agony at saka sa stress na rin. Wala ako sa wisyo magreview para sa nalalapit na delibs at saka gusto ko lang talaga magrelax ngayong araw. Kaso napapaisip ako kung worth it ba magpahinga lang ako buong araw at walang gagalawing related sa academics hanggang bukas. Mas maganda pa rin kasi maging handa.

Friday, September 16, 2016

Ubos Pera

Bale last Wednesday, wala talaga ako balak pumasok. Determinado ako na tatapusin ko ang powerpoint presentation sa araw na iyon. Habang gumagawa, bumuhos na rin ang malakas na ulan.

Nung tumingin ako saglit sa FB, hala huling araw na pala ng membership drive ng UAPSA. Hindi ako prepared, or nakalimutan ko! So ayun, kumilos na ako papasok ng paaralan. Sabi nga nila, gawa raw sa wood laminate ang bagong membership card for this year ng organisasyon.

To make the story short, nakapagpa-member naman ako. Umuwi ako literal na wala nang laman ng wallet. Buti na lang may load pa si beep card. Napabili rin kasi ako ng back issue ng BluPrint worth 80 pesos. Not bad no? Hahaha. Ubos ang three hundred pesos.

Wala lang. Share lang.

Thursday, September 15, 2016

It's been a week na.

Simula nung magpasahan for thesis. Haaaay. Araw na lang ng delibs ang hinihintay.

Sa ngayon, eto ako. Kinakabahan. Hindi ko pa rin matapos-tapos ang paggawa ng powerpoint gawa ng kaba of the unknown. Pero alam ko naman na deep inside makakapasa ako. Siguro kinakabahan lang ako sa mga tanong na ibabato nila sa akin, na baka mamaya hindi ko masagot ng maayos out of kaba. Pero naniniwala pa rin ako na hindi na mag-eextend pa muli ang aking student discount, yung tipong makakapagmarcha ako sa darating na commencement exercises ng unibersidad sa Abril 2017.

Nowadays, unti-unti na sila nagsisipagpasahan sa kanilang thesis. Habang tumatagal, nag-eenjoy tumambay sina agony at nervousness sa akin. Gusto ko na rin makahinga ng maluwag tulad nila. Dude, makakamit mo pa naman yun pero saka pa. Hahahaha.





Monday, September 12, 2016

Haaaaay Buhay Thesis

Ganito pala yung pakiramdam nila noong nakaraang taon. Ilang linggo na puyat na kung saan isa kang napakaswerteng tao kung nakatulog ka ng kumpleto, aksidente man ito o hindi. Gawa rito, gawa roon. Dinadaan na lang din sa pagkain yung stress at pagod. Bawat patak ng oras na hindi nailalaan sa paggawa ng thesis, laking hinayang. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi na rin ako nakapagsulat dito.

Looking back, grabe hindi ko aakalain na magagawa ko ang thesis. Ang dami kailangan gawin within a span of time. Punta rito, punta roon para makapag-data gathering. Balik dito, balik doon para balikan ang mga hininging impormasyon. Sa umaga, nasa labas. Sa gabi, gumagawa. May mga pagkakataon na rin na dahil sa data gathering, hindi na ako nakakagawa ng thesis dahil nakakatulog na sa gabi dulot ng pagod. Kaya tuloy nung mga dalawang linggo na lang bago magpasahan, panic mode na talaga. Naniniwala naman ako deep inside na makakapagpasa ako ng thesis book at makakagraduate ako sa April 2017.

Pero hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na natatanong ang sarili kung kakayanin pa ba. May mga pagkakataon na ang sarap sumuko dahil sa pakiramdam na hindi aabot sa oras ng pasahan. Pero dude, naalala ko tuloy yung tricycle ride papuntang library. Naitanong ko na naman sa sarili ko kung kakayanin ko pa ba. Pero naisip ko na kakayanin ko ito at maawa naman ako sa sarili ko pati na rin sa mga magulang ko. Napagtanto na madalas na lang ako nagpapatalo. Lagi na lang ba ako magpapatalo? Nais ko ba na ganito na lang ang buhay palagi? Na hanggang dito na lang? Syempre, hindi ako papayag. Mukhang ito na ang pagkakataon para baguhin ang mindset. Kaya please lang, maawa sa sarili. At saka, madali nga sumuko pero yung consequence naman iyon, mabigat.

Dahil dito, sinikap ko matapos ang thesis. Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong tumulong sa akin sa paggawa ng thesis book ko. Sa awa ng Diyos, nakapagpasa naman ako, pati na rin ng mga kaibigan ko, ng aming thesis. Individual nga pala yung thesis namin. Ikinatutuwa ko rin na makatulong sa mga kaklase na kinakailangan ng tulong pagkatapos ko makapagpasa ng thesis book sa aming thesis adviser.

Habang pauwi na, doon na namin naramdaman ang pagod. Isang araw din pala kami hindi nakakain. Nadadama na rin ang pagod mula sa mga araw. Ilang araw din pala na hindi ayos ang pagkain sa oras. Grabe talaga yung panahon na iyon pagkatapos ng pasahan. Mararamdaman mo na nagrelax na ang katawan. At sa paghiga sa higaan, o kay sarap ang nadarama. Tulog agad.

Friday, August 12, 2016

Hahahaaaaay

Ito na ang pinakahihintay na araw. Ilang linggo na rin ang nagdaan. Bawat pagtangka nito parang lagi na lang may humahadlang. Kahit nga sa mismong araw na ito, may mga humadlang din sa pagpasok ko. Pero hahayaan ko ba maging hadlang ang mga iyon sa aking pagpasok? Pumasok ako ng handa sa araw na ito. Hopia na matuloy na rin sa wakas dahil last day na ngayon ng ID processing for lost ID.

Kaso pagdating ko sa school, hindi na pinapapasok ng guard yung mga estudyante.

Suspended na pala.

Uwi rin agad.

Sayang hindi rin ako nakapag-Pokemon Go ng maayos doon.

Wednesday, August 10, 2016

Note to Self #6

Learn how to make sulit or the best in every trips and opportunities.
Sayang ang punta at oras kapag hindi ganoon ang ginawa. Nandoon ka na rin. Malay mo, hindi na maulit muli dahil wala nang time.

Tuesday, July 19, 2016

Serious mode na!

Sa ngayon, gumagawa ako ng checklist ng mga gagawin for le thesis book. Desidido na ako sa thesis proposal ko. Hahaha. Nakapagpa-consult na rin kanina. (Thanks, Sir!) And habang gumagawa ng checklist sa ngayon (bale nasa chapter 5 na ako), bigla ako na-overwhelm sa dami ng mga gagawin. And dude, less than 1 1/2 month na lang ang paggawa. Kaka-officially start ko pa lang gumawa ng thesis. Thesis is here. Thesis has come. #ThesisIt *enter Winds of Winter soundtrack*

Nasa pagsusulat na ako ng chapter 7. Lalo na ako nao-overwhelm. Ang daming gawain. Humanga tuloy ako lalo sa mga kaibigan ko na kumuha ng thesis last school year. Na-manage nila makapagpasa on time ng thesis despite le regular academic load. Napagtanto na rin na halos lahat ng mga nag-top sa best thesis nung nakaraang academic year all have one in common -- they have regular load. And I wish for the best sa mga kasabayang regular students, and also for le kapwa original batchmates and higher batchmates na rin. Kaya natin yan, guys! Woooooooooo~

Haaay nako. Bumalik ka na nga lang sa pagsusulat para matapos na at maayos mo na ang mga plano sa paggawa ng thesis. Hahahahahaha. Kaya mo yan, dude. Maniwala ka lang. Confidence! *enter Tsuna Awakens soundtrack*

Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na nandito na ako sa level na ito. Share lang.


Pahabol Note: Unti-unti na nagsisink-in sa akin na gagraduate na ako sa April 2017 and thesis is the perfect time to evaluate how much I learned from architecture school.

La la la la la ~

Bakit ako tinatamad ngayon gumawa ng chapter 1 for thesis book? Wala talaga ako gana, or pwede rin kaya wala ako sa mood gumawa ay para hindi masyado masayang effort ko. May mga kailangan pa kasi ako ipa-consult sa adviser tungkol sa mga posibleng butas ng thesis proposal na ito bago ko pa man seryosong i-push itong thesis proposal na ito. Gusto ko na itong thesis proposal na ito, pero nakakatakot lang dahil baka mamaya mauwi sa extension ng student discount.

Haaaaay.

Wednesday, July 13, 2016

Ang Buhay Sa Ngayon

*bow*

Dahil kay friend, napa-rhyme ako ng wala sa oras during our conversation. Napapaisip lang ng mga kung anu-ano. Bawat dalawang linya ang mga naging tugon ko sa aming pagkukwentuhan:


Buhay tambay ang naramdaman
Pangit pala sa pakiramdam

Tapos napa-wonder na rin ng mga what ifs sa buhay
Kung anu-ano na rin ang mg naisip, mga iba't ibang bagay

Yup tapos napapacompare na rin sa iba
Ano nga ba talaga sa buhay ang kulang pa

Ang hirap pala ng pinagdaanan mo, friend
Ang hirap pala ng hindi lang tengga ng weekend

Tuloy mo lang ang kwento
Ganyan pala ang buhay magbato

Ganyan pala ang pakiramdam
Realidad ay pinapadamdam


Monday, July 11, 2016

Note to Self #5

Make architecture a lifestyle.
Definitely make it, dude. Let's see how it went on in the end.

Isang linggo walang klase.

Natuloy nga ang pagsuspend ng mga araw ng pasok nung nakaraang Biyernes at Sabado.

At ito ako ngayon, ngayon pa lang muli kikilos para gumawa ng proposal. Hindi naman sa tinatamad ako pero siguro parang umabot ako sa point na naghihintay ako ng may mangyayari. Sayang kasi last Tuesday. May sakit pala yung thesis adviser namin. Nawalan tuloy ng klase tapos nasuspend pa yung mga dulong araw ng linggo, kaya naging isang linggo walang klase. E thesis na lang yung klase ko this year. Dude, apat na proposals yung nakahanda last Tuesday. May divine intervention na nangyari sa akin kaya nakapagproduce ng apat. Thank God! Hahaha.

Balita ko naapprove raw yung redevelopment ko ng state colleges sa may northern Luzon. Kaso dude, pipti-pipti yung chances ko roon. May mga kailangan lang i-confirm at baka mamaya niyan magisa with feelingsa jury. Nakakakonsensya na gumamit ng student discount ng isa na namang taon. Haha.

Anyway, mukhang mapapagawa na namana ko ng another proposal tonight. Thank you sa tip, friend.

Friday, July 8, 2016

May pasok kaya bukas?

Ulan. Ulaan. Ulaaaaaaaaaan.

Dude, huwag naman sana mawalan ng pasok bukas. Yung thesis proposals pa! Ohhh. The agony of waiting para makapagpasa ng thesis proposal dahil wala si thesis adviser last meeting. Tapos unti-unti pa lumalapit yung deadline na September 8.

Lol, hindi ko pala na-update itong blog tungkol sa thesis. Saka na lang kapag may time or napagtripan. Hahahaha. Pero dude, you know what? Comeback is real!

Thursday, June 9, 2016

It's time to MOVE!


Makikita sa gitna ng lobby na kung saan maaari gamitin bilang background ng litrato para sa event. Haha!

"It's nice to be anonymous sometimes."

Ganyan ang thought life ko nung umaga ng unang araw ng Move Conference 2016. Isang linggo na pala ang nakakaraan simula nung maganap ang MOVE Conference 2016 ng CCF. Parang kailan lang kailangan medyo gumising ng maaga para makaiwas sa traffic sa C5. Haha. Isa itong 3-day event for the youth, and for the youth at heart na nais mag-invest para sa youth ngayon. Dinaluhan ito ng mga bigating speakers tulad nina Francis Kong at Dan Paterson. Pero isang araw lamang ako nakapag-solo flight pero okay lang yun. Haha.

Anyway, here are some snippets of what happened in those great three days.


MOVE Conference 2016 kit: A drawstring backpack, event's ID featuring the event's 3 day schedule, workbook, flyer, evaluation paper, ballpen and a can of coffee (sponsored).

Minutes before the event's opening. Currently naghahanap ng magandang pwesto nang kinunan ito. Hahahaha.

Peter Tan-Chi and his son opened the event as they tackled about how the youth can make a difference. Meanwhile, Joseph Bonifacio talked about how to be a radical follower of Jesus. Enjoy naman. Hindi lang halata pero laughtrip din ang nangyari. Hahahaha.

When Day 1 of the event is already finished.

It's a sea of peeps!
Praise and worship of Day 2. Wooooo ~

Day 2. Nagsalita si Francis Kong! Wooooo~ Super enjoy ang talk niya. Ang witty ng talk. Enjoy! Hahaha. Rito pinag-usapan niya na "We are products of the choices we make from day to day." At saka dapat maging life long learner tayo. And attitude is more important than skill. But most of all, those 7 B's:
For girls: Books Before Boys Because Boys Bring Babies
For boys: Books Before Babes Because Babes Bring Bankruptcy
 Also, day 2 is workshop day and concert night!

Day 2. While waiting for the workshop to begin. Joel Ramsey yung speaker dito from Citipointe Live and he tackled about how music can influence the generation.
Day 2: Citipointe Live! After ng concert during pack up nila sa stage, nakapagpa-apir ako sa bassist na kamukha ni Patrick Stump. May basbas na para maging isang bassist. Hahahaha!

Day 3: It's a blessing na marinig magsalita si Dan Paterson live. Ayon sa kanya, lahat tayo ay may goal: to know Jesus and make Jesus known. Sa mga salitang ito umikot ang kanyang mensahe para sa madla. At saka may kamukha siyang artista. Hahaha. And also it's wonderful na rin na marinig muli magsalita si Joel Ramsey. He discussed naman about how we must make sure that we surround ourselves with people who will stir us up. Nakakatuwa rin marinig ang kanilang iba't ibang experience on how they live with their faith.

After lunch, nag-surprise performance ang Perkins Twins. Woooo~ Infairness, unti-unti gumaganda pwesto ko habang tumatagal. Hahahaha.
Praise and worship closing ceremony. Clearly one of my best days in my life.
That sunset after the three day event.
To sum it all up, it was a blast! Hindi mawala sa isipan ko during the event na sana kasama ko rin ang mga kaibigan ko. For sure, mag-eenjoy din sila. Iba talaga yung experience. Basta iba eh. Hahaha. Ayan tuloy yung thought life ko nung day one nag-iba.

"It's nice to be anonymous sometimes but it's nicer to be around with friends."

Btw, nais ko sana ibahagi sa inyo ang same day edit ng MOVE Conference 2016 kaso mukhang ito ay hindi pa naa-upload. Super laftrip po iyoooon. Hahahaha.

Overall, thank God for this great experience!

Note to Self #4

Minimum waiting time from now is one hour bago umalis sa pwesto.

Minsan kasi, kung kailan tayo umaalis, nandyan o malapit na pala.

Sunday, June 5, 2016

Note to Self #3

Thou shall not use potassium's chemical symbol in conversations.

It can ruin friendships and connections.

Friday, June 3, 2016

Note to Self #2

Huwag masyadong magpuyat ng hindi kinakailangan lalo na kapag may lakad kinabukasan.

Ang bigat sa pakiramdam pagkagising. Groggy to the bones. Ang sarap lang bumalik sa kama at ituloy ang adventure sa dreamland. Siguro hindi lang sanay yung katawan. Huhu.

Officially enrolled!

Yehey!

Hopefully ito na ang magiging huling unang semestre ko sa pagiging isang undergraduate ng kursong arkitektura. Gusto ko na rin makagraduate, although enjoy naman ang school life. Hahaha. Ito na talaga yun. Ito na ang simula ng mga huling kabanata ng aklat na may pamagat na "Buhay Kolehiyo". Sabi nga nila, #ThesisIt! Pero hindi pa official ang hashtag na yan kung hindi pa naaapprove ang thesis proposal mo. Huhu.

Hindi pa rin masyadong nagsisink in sa sarili na thesis year na. Siguro dahil nasanay ako na sa mga kaibigan ko lamang nakita ang pangyayaring ito sa loob ng isang taon. Parang dati lang, baguhan pa lamang kami sa mundo ng arkitektura, yung tipong natatakot pa kami sa isang prof na sumisigaw ng "HOOOOOY!" sa isang major subject. Kinakabahan pa sa mangyayari sa AQE tapos yung Pokemon War pa sa kabilang section. Dumadaan-daan din ang mga college events tulad ng Arki Week at CAFA Week na kung saan enjoy ang lahat (dahil siguro walang klase hahaha). Well, sulitin na ang mga dapat sulitin sa mga nalalabing buwan ng buhay kolehiyo. Done are the days na nangangapa sa mga gawain, nag-aadjust sa kolehiyo, at pagdadalawang-isip kung tama nga ba itong kursong pinasukan namin. Ay joke lang itong previous na pangungusap. Ongoing pa pala ang mga ito. Hahahaha. Ang mahalaga, makagraduate na sa susunod na taon sa PICC. Pero bago pa man iyon, isang ulimate challege ang kailangan harapin: THESIS.

Oy mga tao! Abangan niyo mga emotional vulnerable moments (huhuhuhu) namin pati na rin ang mga ngiting tagumpay na makikita sa mga grad pics. Kami naman mga makikita niyo may mga litrato sa PICC na naka-toga sa April 2017!

Note to Self #1

Don't ever think of negative thoughts while helping someone out or doing a good deed.

Ang pangit sa pakiramdam later on. Nakakakonsensya.

Wednesday, June 1, 2016

Kaibigan, kumusta?

Hello! Nabuhay muli ako. Hahaha. Unang-una sa lahat, hihingi ako ng kapatawaran dahil hindi ako nasunod ang aking balak na maging active o mag-update man lang ang blog na ito from time to time. Ayoko na nga mangako. Hindi naman nangyayari. Promises are made to be broken nga. </3 Huhuhu. Eww. Hahahaha.

Ayun. Ang tagal din bago ako makapagsulat muli. Sa totoo lang, nahirapan din ako na itulak ang sarili para gumawa o kaya magsulat man lang. May mga pagkakataon kasi na parang pilit ang mga naisusulat for the sake lang na "meron". Ayoko ng ganoon, dude. Ano yan? Mema* lang? Dapat straight from the heart! Hahaha. Siguro masasabi mo na rin na nawawalan na ako ng gana. Medyo ganoon na rin. Walang drive kahit may mga rason para magsulat. May factor din ang katamaran at antok. O kay sarap matulog, diba? Haha.

Sa mga nagdaang araw at linggo, nakapagmuni-muni ako tungkol dito. Mukhang hindi ko nga kaya tuluyan iwan ang mundo ng pagsusulat. Kahit gaano man ako lumayo rito, pilit pa rin ako nito hinihila pabalik sa kanya, bumubulong na subukan muli at huwag sukuan kahit ano man mangyari. Idamay mo na rin ang photography. I quit photography one time dahil wala akong equipment para i-push ang passion na iyon. Aaminin ko, nainggit ako sa iba sa isang pagkakataon dahil may mga matinong camera sila, yung mga tipong mabibigat pa. Hahaha. Pero hindi naman sukatan kung gaano kabigat ang iyong camera ang photography kundi ay kung paano mo maipapahayag ang sarili mo at kung paano mo maipapakita sa mundo ang mga nais mong ipakita at sabihin sa kanila.

Pakiramdam ko kulang pa ang lalim nitong post na ito. Hahaha. (Uyy gumugusto ng malalim. Unang-una hindi ka naman ginawa ng Diyos bilang isang karagatan.) Ay nako bahala na. Muling ibalik ang pakikipagsapalaran sa mundo ng pagsusulat!


* Mema = May mapost lang.

Sunday, March 6, 2016

Yehey!

Pasahan ng thesis 

Revisions 


Thesis deliberation 


Road to PICC naaaaaa!

Nakakatuwa makita na lahat ng mga tinulungan mo sa paggawa ng kanilang thesis ay nakapasa. Sobrang ligaya ang nadarama. Worth it lahat ng puyat at pagod. Worth it din lahat ng mga naisakripisyo para lamang maka-graduate sile on time. Alam mo, hindi mo na rin iintindi kung sino ang nangunguna sa thesis. Numero lamang iyon e. Kumbaga, parang bonus na yun. Ang mahalaga talaga ay nakapasa. Pakiramdam ko nga e nanalo na rin ako. Hahahaha!

Nakakatuwa rin na makita sa news feed ng Facebook yung mga litrato ng mga ka-batchmates na may #RoadToPICC bilang caption. Alam mo yung pakiramdam na masaya ka para sa kanila? Basta hindi ko maipaliwanag ang saya. Basta ang alam ko, napaka-saya ko para sa kanila.

Anyway, balik tayo sa mga tinulungan. Haha. Nakaka-proud lang makita yung mga naitulong mo nasa output. Iba yung feeling. Nakaka-proud lalo roon sa isa kong kaibigan na nakasama pa sa top ten best thesis. SOBRA. Ang sarap sa pakiramdam. I'm so happy for you, my friend! Hindi namin iyon aakalain. Makakatulog ka na rin ng maayos. Balik buhay baboy pansamantala. Haha. And I'm so happy for my friends na nakapasa. Kitang-kita yung laki ng mga ngiti niyo, pati na rin yung relief. Parang natanggal na rin ang malaking tinik sa puso. Tapos na rin ang dark days of thesis. Akalain niyo yun? Nalagpasan natin ang dark days. Parang kailan lang napakahaba ng mga araw na iyon, yung tipong may forever pala sa thesis. Kaway-kaway sa mga kaibigan ko. Kitakits sa PICC!

Anyway, pagkatapos ng thesis deliberation nila, nagkayayaan kumain sa isang branch ng Yvan Navy. Unang pagkakataon ko lang makakain sa branch na iyon. Kasama ko ang mga ka-batchmates ko rito. Nanglibre sila ng pagkain. Yehey! Celebration na rin ng kanilang pagkapasa. Later on, kaming magka-circle of friends ay pumunta roon sa bahay ng isa pa naming kaibigan para magcelebrate rin. Ang sarap ng pansit. Napa-instant overnight na rin. Naappreciate ko ang mga kwentuhan nila and such. Grabe. Ang sarap ng tulog ko roon. Ang sarap matulog sa kanila.

Naeexcite na ako makita ang kani-kanilang grad pic pati ang kanilang creative shot. Naeexcite na rin ako pumunta sa PICC para masaksihan ang kanilang huling araw ng kolehiyo. Inaabangan ko ang kanilang literal na #RoadToPICC.

Hintayin niyo kami, guys. Kaming mga irreg naman ang susunod! Abangan niyo kami!

Sunday, January 31, 2016

Huhubels

Wow. Bagong taon bagong post huhubels na kaagad ang pamagat? Well, sa bagay, naiistress kasi ako ngayon. Ang daming gawain na dapat matapos na. Numero uno riyan ay yung kahilingan ng mga kaibigan na pagtulong sa kanilang thesis. Unti-unti na rin kasi lumalapit ang araw ng pasahan. Ang araw ng paghatol sa mga graduating students. Hopefully hindi kami magbubukas ng membership drive ngayong sem. Tama na yung dami naming mga irreg. Sapat na sa isang section. At saka, sino na ang manglilibre sa amin pagdating ng panahon kung kailan stress na kami sa thesis? HAHAHA! XD Anyway, pangalawang factor naman ay yung plato sa Design. Nangangati na ako simulan iyon. Ayoko magrush (lol bawal magsalita ng hindi tapos hahaha). Kaway-kaway sa mga kagrupo ko riyan!

Naiistress ako kasi ang bagal ko gumawa pati na rin sa mga panahon na akala ko matatapos ko kaagad ang isang gawain ngunit hindi pala. Ayun lang naman. At saka nauubusan na ako ng pasensya. Huhu. Hindi ko magawa-gawa ng maayos sa SketchUp yung dapat itsura nung gusali. Yung tipong mas madali kung iguguhit mo na lang ito kesa pagtiyagahan pa sa SketchUp.

SketchUp pa moreee. Hindi ko maalign ng maayos yung bubong nung gusali. Huhubels,

Nanghihinayang nga ako sa oras na naigugol ko sa pag-aayos ng SketchUp dito sa isang laptop. Bumibigay na kasi si lappy (sorry lappy huhuhu) dahil mababa lang ang kanyang specs. Basta nagkaroon ng problema. Huhubels. Ayuuuun. Ang paghahanap ng solusyon ay kinain ang oras ng paggawa or pagtulong sa nangangailangan. Hindi ko tuloy mapigilan maging pessimistic or maging nega sa kakaisip kung matatapos ba ang mga ito sa oras.

Pero dude, ano maitutulong ng pagiging ganoon kundi magpapalala lang ng sitwasyon? Sayang ang oras kung magiging ganoon ang thought life sa ngayon.  At saka dapat maniwala lang talaga sa mga kaibigan na matatapos nila ang kanilang thesis on time. Automatic na kasama sa package ng pagtulong ay ang suportang moral sa kanila. Ikaw nga dapat maging sandalan nila dahil nasa crucial time sila, na dapat magpatuloy lang ang paniniwala at pagtiwala sa kanila kahit ano man ang mangyari. Maraming good times ang naganap pero ito na yung bad times na sinasabi nila. Diba sabi nga nila, "Just believe and you're halfway there"? Madali lang bumigay pero mahirap mamuhay sa mundo ng "What ifs" na yan.

Friend: "What if kung hindi ko natapos?" (Such a negative tone)
Ako: "What if kung natapos mo?" (Dapat ganito lang. Positive!)

Namimiss ko na talaga ang pagsusulat. Ang sarap sa pakiramdam talaga. Haha. BAKIT BA KASI NAKAKALIMUTAN KO ITONG BLOG NA ITOOOO? Gusto ko tuloy magsulat lang ng magsulat ng entries dito sa ngayon, kung anu-ano na ang mga nangyayari and such. Tignan mo nga naman, nakapagbayad na sila ng kanilang application for graduation. Ilang buwan or linggo na lang, kitakits na sa PICC [insert mixed feelings here].

Sorry kung puro rant na lang ang nilalaman ng blog na ito. Huhu. Nakakastress maging arki kaya kung mag-aarki ka man bilang iyong kurso sa kolehiyo, magdalawang-isip ka na. Well, matrabaho siya pero masaya kasi for sure lalawak talaga ang mundo mo kapag naging parte ka sa mundo ng arkitektura.

Pakiremind na lang ako na may blog pa ako na dapat i-update palagi. HAHAHA! Salamats!