Wala akong gana magbukas ng social media accounts. Hindi ko
kaya tumugon sa mga tao. At saka, nalulungkot lang ako sa sarili ko sa mga
nakikita ko roon.
Wala rin akong gana kumain minsan. Yung tipong nagugutom ka
na yet nakakayanan mo matiis yung kumakalam mong sikmura.
Wala akong gana minsan lumabas sapagkat nade-drain kaagad
ang energy ko. Hindi naman pwede malaman lahat ng mga tao itong pinagdadaanan
ko. Nakakapagod magsuot ng maskara.
Walang gana na rin ako magbasa-basa at manood minsan.
Nawala ang joy in the simple things in life. Hindi ko alam
kung paano ko nalalagpasan ang bawat araw. Siguro napaka-negative lang ako
ngayon kaya ako ganito ngayong araw compared sa nangyari sa akin sa mga
nagdaang araw.
Basta alam ko sa sarili ko na wala akong gana ngayong araw.
Ayoko maghanap o gumawa ng distraction para rito kasi
matagal na rin ako gumawa ng mga distractions noon at paggawa ko ng
distractions noong akala ko okay ako, hindi ko naharap ng maayos ang mga dapat
harapin noon pa. Kaya please, huwag na huwag niyo sasabihin sa akin na maghanap
ako ng distraction dahil sa paghahanap. Ayan tuloy, tone-tonelada sila ngayon sa
akin. Nadagdagan na nga, dumami pa.
No comments:
Post a Comment