Wednesday, December 28, 2016

When Katamaran Strikes

Madalas nakakatamad naman talaga ang mga bagay-bagay. Ewan ko ba kung bakit, o sadyang makikita lang na nawalan na ako ng gana sa mga bagay lalo na sa mga bagay na nagbibigay aliw o ligaya sa akin noon na ngayon, wala na. Siguro nawalan na rin ako ng drive o kaya nasa bagong kabanata na rin ako ng buhay. Ganito ba kapag adulting na?

Naalala ko lang nung ininterview ako para sa isang trabaho. (Akalain mo yun nag-apply ako? Hahaha.) Habang tinatanong ako ng boss tungkol sa mga bagay-bagay sa resume ko, kalahati ng utak ko sumisigaw deep inside ng "Ayoko na. Gusto ko na umuwi."

Bakit? Ano ba nangyari?

Dahil napagtanto ko na ayoko ng pumapasok. Gusto ko hawak ko ang sariling oras sa trabaho. Gusto ko kumita ng pera ng wala masyadong ginagawa. Roon ko nakita na natural na pala sa akin maging tamad, na isa pala talaga akong tamad na tao na mukha lang minsan na masipag.

Sa bagay, kapansin-pansin din na kapag hindi ko nakikita ang isang bagay na dapat gawin ay hindi ko ito kaagad ginagawa. Tinatamad kasi maghanap. Kapag naman hindi nasunod ang plano sa utak, hindi na rin tatapusin o itutuloy pa. Minsan pa nga kapag may inaabangan at dumating na ito pagkatapos ang paghihintay, hindi ko na rin ito papanoorin o aabangan pa. Ewan. Napagod siguro o kaya ayaw lang madisappoint? Basta may times na hindi ako naghahanap ng paraan dahil ako ay tinatamad.

Ang gulo ng pagkakasulat ko nito. Wala lang. Gusto ko lang mailabas ito. At tinatamad pa ako ayusin ito. I just let my ideas and the words flow lang sa ngayon e. Salamat nga pala sa pagbabasa.

No comments:

Post a Comment