Wednesday, December 14, 2016

Mixed emotions.

Nakakatulong yung pagbabasa ng libro ni Nick Vujicic na "Life Without Limits". Isang malaking "touche" yung librong iyon. Medyo somehow nabawasan ng kaunti yung dinadala mula roon. Pero akala ko unti-unti na ako magiging okay. Naiinis ako sa sarili ko, sa mga nagawa kong desisyon sa buhay. Ayan tuloy tignan mo kung nasaan ako ngayon. Hello muli mula sa rock bottom.

Naghahalo-halo silang lahat simula kagabi bago ako makatulog hanggang sa pagkagising ko. Mukhang tinatamaan na naman ako kung ano man ito. Hindi ko talaga mapigilan. Yung usual self ko, normally naka-get over na pagkatapos magmuni-muni saglit. Kaso diba, the string broke.

Hindi ko alam kung tama ba yung mga naging desisyon ko sa buhay tulad nung sa work, kung dapat nga ba isang buwan or isang linggo lang. Halos lahat ng mga nagawa kong desisyon sa buhay na nagkaroon ng pagkakamali sa dulo ang umaatake sa akin. Napapaisip kung bakit hindi na lang yung isang choice yung pinili ko, kung bakit mas inuna ko pa yung iba e pwede naman unahin ang sarili that time total understandable naman na thesis yun e? Bakit ako madaling bumigay at napakamahiyain para magsalita sa mga bagay-bagay? Bakit hindi ko mapigilan na mababa ang tingin ko sa sarili, na mas mahalaga pa yung idea, suggestion, o opinyon ng kausap ko kesa sa akin? Bakit minsan hinahayaan ko na lang hindi i-correct yung ibang tao kahit alam na alam ko yung sagot? Bakit takot ako minsan magsalita sa mga bagay na nararapat? Bakit natatakot ako minsan sa mga opinyon ng mga tao, kaya hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin tulad ng paglitrato? Bakit ba kasi may paki pa ako sa mga iniisip ng tao, sila ba may-ari ng buhay na ito?

Siguro pwede na ako gumawa ng kwento na may pamagat na "Tales From The Rock Bottom" no?

Sa pagsusulat ngayon, parang pinagsisishan ko pala na i-give up yung slot na iyon. Oo, nakatulong ako. Pero kasi, ako yung sumalo ng dapat kasalanan nila na dapat sila ang sumalo. Napasa sa akin na dapat naman talaga hindi para sa akin. Bakit kasi ni-let go ko pa yung pagkakataon at ibinigay iyon sa iba? Nandoon na e. Sorry talaga. Hindi ko mapigilan na maging ganito ang nararamdaman ko.

No comments:

Post a Comment