Wednesday, December 28, 2016

When Katamaran Strikes

Madalas nakakatamad naman talaga ang mga bagay-bagay. Ewan ko ba kung bakit, o sadyang makikita lang na nawalan na ako ng gana sa mga bagay lalo na sa mga bagay na nagbibigay aliw o ligaya sa akin noon na ngayon, wala na. Siguro nawalan na rin ako ng drive o kaya nasa bagong kabanata na rin ako ng buhay. Ganito ba kapag adulting na?

Naalala ko lang nung ininterview ako para sa isang trabaho. (Akalain mo yun nag-apply ako? Hahaha.) Habang tinatanong ako ng boss tungkol sa mga bagay-bagay sa resume ko, kalahati ng utak ko sumisigaw deep inside ng "Ayoko na. Gusto ko na umuwi."

Bakit? Ano ba nangyari?

Dahil napagtanto ko na ayoko ng pumapasok. Gusto ko hawak ko ang sariling oras sa trabaho. Gusto ko kumita ng pera ng wala masyadong ginagawa. Roon ko nakita na natural na pala sa akin maging tamad, na isa pala talaga akong tamad na tao na mukha lang minsan na masipag.

Sa bagay, kapansin-pansin din na kapag hindi ko nakikita ang isang bagay na dapat gawin ay hindi ko ito kaagad ginagawa. Tinatamad kasi maghanap. Kapag naman hindi nasunod ang plano sa utak, hindi na rin tatapusin o itutuloy pa. Minsan pa nga kapag may inaabangan at dumating na ito pagkatapos ang paghihintay, hindi ko na rin ito papanoorin o aabangan pa. Ewan. Napagod siguro o kaya ayaw lang madisappoint? Basta may times na hindi ako naghahanap ng paraan dahil ako ay tinatamad.

Ang gulo ng pagkakasulat ko nito. Wala lang. Gusto ko lang mailabas ito. At tinatamad pa ako ayusin ito. I just let my ideas and the words flow lang sa ngayon e. Salamat nga pala sa pagbabasa.

Wednesday, December 14, 2016

Haaaaaay

The struggle is real.

Haaaay

Sobrang bigat lang sa pakiramdam.

Mixed emotions.

Nakakatulong yung pagbabasa ng libro ni Nick Vujicic na "Life Without Limits". Isang malaking "touche" yung librong iyon. Medyo somehow nabawasan ng kaunti yung dinadala mula roon. Pero akala ko unti-unti na ako magiging okay. Naiinis ako sa sarili ko, sa mga nagawa kong desisyon sa buhay. Ayan tuloy tignan mo kung nasaan ako ngayon. Hello muli mula sa rock bottom.

Naghahalo-halo silang lahat simula kagabi bago ako makatulog hanggang sa pagkagising ko. Mukhang tinatamaan na naman ako kung ano man ito. Hindi ko talaga mapigilan. Yung usual self ko, normally naka-get over na pagkatapos magmuni-muni saglit. Kaso diba, the string broke.

Hindi ko alam kung tama ba yung mga naging desisyon ko sa buhay tulad nung sa work, kung dapat nga ba isang buwan or isang linggo lang. Halos lahat ng mga nagawa kong desisyon sa buhay na nagkaroon ng pagkakamali sa dulo ang umaatake sa akin. Napapaisip kung bakit hindi na lang yung isang choice yung pinili ko, kung bakit mas inuna ko pa yung iba e pwede naman unahin ang sarili that time total understandable naman na thesis yun e? Bakit ako madaling bumigay at napakamahiyain para magsalita sa mga bagay-bagay? Bakit hindi ko mapigilan na mababa ang tingin ko sa sarili, na mas mahalaga pa yung idea, suggestion, o opinyon ng kausap ko kesa sa akin? Bakit minsan hinahayaan ko na lang hindi i-correct yung ibang tao kahit alam na alam ko yung sagot? Bakit takot ako minsan magsalita sa mga bagay na nararapat? Bakit natatakot ako minsan sa mga opinyon ng mga tao, kaya hindi ko nagagawa ang mga gusto kong gawin tulad ng paglitrato? Bakit ba kasi may paki pa ako sa mga iniisip ng tao, sila ba may-ari ng buhay na ito?

Siguro pwede na ako gumawa ng kwento na may pamagat na "Tales From The Rock Bottom" no?

Sa pagsusulat ngayon, parang pinagsisishan ko pala na i-give up yung slot na iyon. Oo, nakatulong ako. Pero kasi, ako yung sumalo ng dapat kasalanan nila na dapat sila ang sumalo. Napasa sa akin na dapat naman talaga hindi para sa akin. Bakit kasi ni-let go ko pa yung pagkakataon at ibinigay iyon sa iba? Nandoon na e. Sorry talaga. Hindi ko mapigilan na maging ganito ang nararamdaman ko.

Tuesday, December 13, 2016

Mga Bagay na Ayokong Marinig Dito Sa Rock Bottom

Nauunawaan ko na kaya nasasabi iyon ng mga tao ay dahil gusto nila mag-comfort. Yung iba naman, mema lang. Kaso diba nga, iba't iba ang wiring ng mga tao. No one's the same. So here's a list of things na ayoko maririnig sa pagcomfort na sa akin:

1. "Okay lang 'yan."

Dude, it's not even okay in the first place.

2. "Normal lang 'yan."
Alam ko normal lang na makaramdam ng ganito, obviously. Lahat ng mga tao may kanya-kanyang problema. Pero kasi, I don't find these words comforting or helpful at all. Mas mabuting tumahimik ka na lang kesa sabihin pa iyan sa akin.

3. "I-distract mo lang sarili mo."
Been there, done that. Ano nangyari? Somehow, lumala. Hindi ko maayos hinarap ang mga bagay-bagay dahil sa distraction. Ayan tuloy. Siguro may problema lang sa pag-manage ko ng tasks.

4. "Na-depress siya dahil sa thesis."
Hindi thesis ang sanhi nito. Nasa quarter-life crisis pala ako all this time simula nung bagong academic year. Tulad ng sinabi ko nung una, naging magandang distraction ang thesis pero nung nawala ito, naging major trigger naman.

So far, ayan pa lang yung mga linyang ayoko marinig. More to come.

Happy weeksary.

Nagising ako sa ngawit ng batok mula sa pagkatulog. Pagmulat ng mga mata, ang dilim. Umuulan pala.

Malungkot na nga ako, lalo lang ako naging malungkot.

Ewan ko ba. Naiisip ko tuloy na sana na lang, isang linggo lang ang sinabi ko sa break na ito at hindi isang buwan. Somehow parang ang kailangan ko lang ay preparation para hindi mabigla sa work. Pero hindi ko rin kasi masasabing isang linggo lang ang kailangan ko that time. I was so very down that time. Lahat ng mga bagay na nagpapalungkot sa akin in life -- insecurities, disappointments, failures, shortcomings, etc. -- nagsama-sama lahat nung panahong iyon. I need more space and time para makabalik sa usual na ako. Pero kasi, sa nararamdaman ko ngayon, parang sana na lang pala isang linggo na lang yung sinabi ko. Parang kasi sapat na pala yung isang linggo. At least diba kapag umuuwi ako niyan after work, makakakita pa ako ng Christmas lights.

Pero kasi, hindi rin natin masasabi pala na isang linggo lang ang kailangan ko that time. Pinakamatindi na kasi ito, 'tol. Hello from rock bottom nga pala.

Looking back, it's been a week na pala simula nung mangyari iyon.

Happy weeksary.

Monday, December 12, 2016

Wala akong gana.

Wala akong gana magbukas ng social media accounts. Hindi ko kaya tumugon sa mga tao. At saka, nalulungkot lang ako sa sarili ko sa mga nakikita ko roon.

Wala rin akong gana kumain minsan. Yung tipong nagugutom ka na yet nakakayanan mo matiis yung kumakalam mong sikmura.

Wala akong gana minsan lumabas sapagkat nade-drain kaagad ang energy ko. Hindi naman pwede malaman lahat ng mga tao itong pinagdadaanan ko. Nakakapagod magsuot ng maskara.

Walang gana na rin ako magbasa-basa at manood minsan.

Nawala ang joy in the simple things in life. Hindi ko alam kung paano ko nalalagpasan ang bawat araw. Siguro napaka-negative lang ako ngayon kaya ako ganito ngayong araw compared sa nangyari sa akin sa mga nagdaang araw.

Basta alam ko sa sarili ko na wala akong gana ngayong araw.

Ayoko maghanap o gumawa ng distraction para rito kasi matagal na rin ako gumawa ng mga distractions noon at paggawa ko ng distractions noong akala ko okay ako, hindi ko naharap ng maayos ang mga dapat harapin noon pa. Kaya please, huwag na huwag niyo sasabihin sa akin na maghanap ako ng distraction dahil sa paghahanap. Ayan tuloy, tone-tonelada sila ngayon sa akin. Nadagdagan na nga, dumami pa.


Napagtanto

Hindi pala thesis ang dahilan ng mga nangyayari sa akin ngayon. Trigger lang ang thesis. Nasa quarter-life crisis pala talaga ako all this time. Hindi ko kasi aakalain na ganito ako ngayon mula sa inaasam ko nung elementary at high school days. Hindi na-meet ang expectations ko kung saan dapat ako sana ngayon dahil hindi pala ako naroon ngayon. Malayo-layo pa talaga ako.

Kaya please, ayoko makarinig ng dahil sa thesis ako nagkakaganito. Subconsciously kasi, parang matagal na itong quarter-life crisis sa akin simula nung magsimula ang academic year dahil sa maraming factors. Naging mabuting distraction lang mula sa thought na iyon ang thesis. Kaso hindi ko rin aakalain na yung mabuting distraction na iyon ay magiging isang trigger din.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung dapat ko ba isulat ang mga ito rito. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ito ang mga nangyayari sa akin, kung bakit ako nahulog sa baba. Hindi ko alam kung dapat ito ba ang nararamdaman ko, o dahil para masabing may hugot ako sa mga sinusulat ko ngayon para makasabay sa agos ng nauusong pagsusulat na may hugot.

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Siguro ayoko lang mag-isip kaya sinasabi ko na lang na hindi ko alam.

Sa pagmulat ng mga mata kanina, naiisip ko na magsulat dito, na ibuhos ang lahat ng mga nararamdaman dito sapagkat sa mga nagdaang araw, hindi ako makasulat sa journal ko. Siguro kaya hindi ako makasulat doon kasi nararamdaman ko na baka mag-overthink lang ako. Pero naiisip ko na rin na kaartehan lang itong nangyayari sa akin, na kaya naiisip na kaartehan ito ay para tumigil na kaagad ang sarili sa pagdaramdam ng ganito, kahit na alam ko naman na may mali talaga sa akin ngayon, kaso hindi e. Wala akong magawa sa nararamdaman ko ngayon, tapos naguguluhan pa.

Grabe lang talaga e. Ang laki talaga ng inis ko sa sarili ko ngayon.

Akala ko buhay arki lang ang mga isusulat ko rito. Akala ko mame-maintain ko ang blog na ito sa pagkwento ng mga ganap sa buhay arki na nararanasan ko. Akala ko talaga magiging active itong blog. Kaso hindi e. Ang daming factors kung bakit hindi ko maayos na naipatakbo itong blog na ito. Sa pagsusulat ko nito, mas nalulungkot lang ako lalo sa sarili ko dahil sa mga plano ko na hindi ko nagawa ng maayos. At itong thought, ngayon ko lang ito naisip. At dinadagdag nito ang bigat ng mga dalahin sa buhay.

Wala talaga ako magagawa sa nararadaman ko ngayon e. Ganoon talaga. Rito na lang muna ako at magpapalipas, umaasa na darating ang panahon na magiging okay muli ako, na hindi ko na masasabi ang linyang, "Akala ko okay ako." Kaso hindi na rin ako umaasa sa ngayon darating pa iyon. Iwan niyo na lang ako rito.

Thursday, December 8, 2016

Note to Self #7

Huwag pagsamahin ang dalawang lakad sa isang araw unless napaka-importante gawin ang isang araw sa araw na iyon.
Ang pangit lang sa pakiramdam na naco-compromise yung isang lakad.