Wednesday, November 18, 2020

Welcome back sa work!

Parang first day of work ko lang pala muli ngayon. Hahaha. Grabe, halos isa't kalahating oras yung hinintay ko bago ako mabigyan ng task. Siguro may urgent meeting lang mga bossing kaya nito lang sila nakapag-communicate sa akin.

Nawa'y madali lang ang mga trabaho. Huhu. Ayoko muna ng stress.

Or baka ayoko pala nung field namin?? Hahahuhu. Love & hate relationship pala nu?

Ewan, pero parang ang hassle kasi sa akin ng arki pero minsan enjoy ko naman. Bakit kaya ganito?

Alam mo, parang ayoko na pala mag-work. Gusto ko na lang sa bahay tapos passive income. Sobrang saya ko pala nung wala akong commitment sa work last time. Gusto ko lang pala mag-ayos ng mga gamit, magbasa, at mag-run house errands despite little to no pay. Mas nadama ko yung fulfillment pala roon. Parang mas masaya pala ako nito.

Sa ngayon, waiting ako na maibigay sa akin yung files. Pero mas gusto ko na lang sa ngayon i-explore kung anong klaseng passive income ang suitable para sa akin. Iniisip ko na lang, maswerte ako dahil nagkaroon pa rin ako ng work ngayon sa gitna ng pandemic.

Kaya work, work, work na muna.

Monday, November 16, 2020

Haaaay board requirement

Well, mukhang mga experience at events na lang ilalagay ko rito.  Hahaha.

Sa ngayon, inaasikaso ko yung isang requirement para sa board exam. Nababalitaan ko rin na pahirapan daw mag-apply ng appointment sa PRC dahil sa surge ata ng applicants. May isa kaming review classmate na nag-aabang ng application tuwing 12AM hanggang 2AM kada araw.

Samantala ako, requirement pa rin ako inaasikaso. Hahaha. Anyway, don't compare, dude.

Napapaisip tuloy ako na baka mamaya sa June 2021 na ako makakapag-exam dahil sa requirements. Nako dude, bakit kasi ngayon mo lang iyan inaasikaso. Ang haba-haba ng panahon, yet hinintay mo pa yung deadline announcement bago kumilos.

Bakit ganito ako mag-procrastinate? Huhu.

Parang kailan lang, thesis sinusulat ko rito tapos ngayon board exam na. Hahaha.

Sunday, November 15, 2020

Try lang muli.

 Hindi ako maka-decide kung saang blog platform ako babalik. One of my dilemma right now ay nasa stage muli ako kung saan hindi makahabol ang kamay sa pagsusulat ng thoughts. Huhu. Main concern is the stuff inside in my head are really personal e ang tingin ko kasi rito sa blog na ito ay more on pang-public ang kanyang dating. Haha. Sinubukan ko sa ibang platform yet nalilimitahan kasi ako sa part ng tags. Ayoko sana mahalo yung posts ko sa iba na unlike rito, madaling balikan ang tags.

Anyway,



Wednesday, September 23, 2020

Nagbabalik!

Sorry, nawala ako noon. Bigla kasi ako naging hindi komportable sa pagsusulat dito sa blog na ito, hanggang sa hindi na talaga ako nakabalik. Looking back, ang dami na rin palang ganap na nangyari sa loob ng halos tatlong taon. Kung sa basketball nga ang daming nangyayari sa loob ng dalawang minuto ng paglalaro, sa halos tatlong taon pa kaya?

Paano ba ako bumalik dito?

Simple lang. Kinumusta ako ng isang close office friend tapos may hinahanap ako na convo na para mas madama niya yung response ko. Hindi ko mahanap kaagad sa Google ito tapos naalala ko pinost ko nga pala ito one time nung mga panahon na nahihirapan ako sa thesis.

Tapos bigla ko na lang naisip, why not bumalik na lang ako rito at dito na lang magkwento? Total, naiisip ko na rin nung mga nakaraang linggo na bumalik na sa blogging. Sakto.

Pero alam mo, yung sa litrato sa taas? Hindi ko inaasahan na magiging applicable pa rin sa akin ito sa panahon na ito.

Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng ganitong pakiramdam. Bagay na bagay sa aking quarter-life crisis habang nasa gitna ng pandemic.

Friday, August 25, 2017

Pahinging focus

Bale habang nagmumuni-muni habang kumakain, napagtanto na kaya siguro wala lang ako gana ay dahil nagkukulang lang talaga ako ng malaki sa focus sa thesis.


Na yung focus ko ngayon ay napupunta sa mga nagawa rati at mga gustong gawin in the future. At saka, siguro masasabi rin na mali lang yung napaglalagyan ko ng focus ngayon dahil mas madali mag-focus doon kesa sa hinaharap ko ngayon.

I find myself these past weeks looking at the zestiness of other people's lives (e.g. watching vlogs, spending time at social media). Siguro dahil naiinspire rin ako na maging ganoon sana ang life, yung tipong may active and masayang life and living life to the fullest. Pero kasi, kung mapapansin mo yung background ng mga tao, tapos na sila sa kanilang pag-aaral e. Nakatapos na sila ng kolehiyo. Nakatapos na sila ng isang kabanata ng kanilang buhay. Habang ako, on the way pa lang ang pagtatapos.

Okay lang ma-inspire sa mga ginagawa nila, pero huwag naman sana makalimutan na mag-focus sa studies. Iba rin kasi kapag may diploma. At saka, para matapos na rin ang bittersweet privelege na ito. Pero sana, ma-enjoy ng sarili ang pag-aaral habang nandyan pa sa stage na iyon dahil iba pa rin ang pakiramdam ng nag-aaral sa nagtatrabaho na.

It looks like from time to time, kailangan ma-remind ang sarili na isang privelege ang pag-aaral, lalo na sa kursong ito. Although it sometimes look like some sort of suffering, iba ang blessings na makukuha rito.

Basta, all I need right now is:

Ngayong umaga

Sa aking paggising at pag-iisa, grabe. Unang pumasok sa isip ko na ayoko na talaga gumawa ng thesis. Gusto ko lang humilata at magmuni-muni tungkol sa mga naging kapabayaan ko sa life. Hahahuhu. Nagising ako before 6AM dahil sa paggising sa akin ni mother. Sasabay sana ako sa kanila pumasok. Kailangan ko pa kasi makabalik ng McKinley dahil naiwan ko yung school ID ko sa isang office roon nung nag-data gathering ako two weeks ago. Huhuhu.

Nung napagdesisyunan ng sarili na huwag na lang sumabay, at sa susunod na linggo na lang sumabay sa kanila, napag-isipan ko na lang magmuni-muni habang nakahilata.


Shemay. Ayoko na talaga gumawa ng thesis. Gusto ko na lang magtrabaho para kumita ng pera, and at the same time, gusto ko lang tumambay sa bahay at manood or magbasa or matuto ng new skill. Ito yung thought na madalas tumatambay sa akin nung mga nakaraang linggo kaya hindi rin ako makagawa ng maayos. Huhu.

Napamuni-muni rin ako na bakit ganito ako. Isang friendly reminder yung napanood ko na latest vlog ni Wil Dasovich na we must live our lives to the fullest. Doon sa video niya, napatanong na naman ako sa sarili. Ano ba itong ginagawa ko sa buhay?

Natamaan ako sa ibang quotes ni Wil. Huhuhu. Here are some:
"If an opportunity doesn't knock, build a door."
"Don't sit around and wait for the opportunity. Go around and create it." 
Wala lang. Share lang. Saglit lang ako nakapagmuni-muni then nakatulog na. Kakagising ko lang ngayon. Medyo pinagsisihan ko na nakatulog ako. Sana nanood na lang ako ng isang episode ng kdrama. Hindi ko pa rin matanggal sa life ang pagkahilig sa tulog.

Kailangan ko na talaga magpuyat these days para hindi ako magahol sa mga susunod na araw. Unti-unti na rin lumalapit na ang thesis deadline.

Thursday, August 24, 2017

Oh yeah.

One hour ago, sobrang wala talaga akong gana. Huhuhu. Pero worth it pala talaga na pilitin ang sarili despite na sobrang walang gana ang sarili. Kakatapos ko lang mag-compute ng number of users para sa development ko nung nagsulat ako ng previous blog entries. Huehuehue.

Katuwa lang. May chapter 10 na ako. Wooo. Recommendation lang ang nilalaman ng chapter 10. May draft na rin ako ng chapter 9. Yeeeey. Findings and conclusions naman ang nilalaman ng chapter 9. Gusto ko man ituloy pa, kaso inaantok na rin ako. Hopefully magising ng maaga maya-maya para matuloy kaagad yung mga kailangan pang gawin. And hopefully, may gana na rin ako gumawa.

Overall, another achievement muli ito despite ng walang gana sa paggawa. So, yeeeey.


So far, malapit na pala ako mangalahati ng thesis book. Bale ito na lang yung mga kulang pa siguro:

1. Research topic explanation / justification (Ilalagay sa chapters 1 & 3)
2. Chapter 2 - Systems of Research
3. Micro site analysis (part ng Chapter 4)
4. Chapter 5 - Architectural Programming
5. Chapter 8 - Matter of Finance
6. Conceptual Site Development Plan
7. Header ng thesis proposal

Thank you, Lord. Sorry po sa lahat. Huhuhuhu.