Thursday, October 29, 2015

The After Plates Party 2014!

Ang official poster ng kaunahang After Plates Party na ginanap noong ika-20 ng Oktubre 2014. Ito ay may official hashtag na #CAFAOrigami
Sariwain muna natin ang kaganapan mula sa naunang After Plates Party noong nakaraang taon. Parang noon, isang panaginip lang itong piging na ito dahil taon-taon na lang, hindi natutuloy. May jinx ata ang mga salitang "Acquaintance Party" kaya napagdesisyunan ng mga organizers na ibahin ang pangalan na ito. Mula "Acquaintance Party", ito ay naging "Socialization Party" na maya-maya binigyan ito ng bagong pangalan na mas kilala na ngayon bilang "After Plates Party".

Bakit nga ba "After Plates Party"? Ito ay isang pagdiriwang sa pagtatapos ng unang semestre ng school year. Naglalaman ito ng isang gabi ng saya, tugtugan at sayawan. Hindi rin mawawala ang mga palaro at pagbibigay gantimpala sa mga nakisaya sa gabing ito.

Ang itsura ng entablado bago pa man magsimula ang nagsabing piging.
Ang itsura ng pinagdarausan pagkatapos ang pormal na pagsisimula ng naturang pagdiriwang.

May mga tumugtog at nagpakita ng kanilang talento sa larangan ng musika.
The Irregulars

The Duo

The Setback
At syempre, hindi mawawala ang pagkuha ng group pictures.

Group picture sa may bandang likod ng pinagdarausan, sa may sofa.

Group picture sa may bandang gitna ng pinagdarausan, sa mga may cocktail tables





Group picture sa may kaliwang gilid ng entablado

At syempre, group picture rin sa may kabilang gilid ng entablado
Bilang pagtatapos ng piging, pinapunta ang mga dumalo sa may entablado para sa isang ultimate group picture sabay pagsabog ng mga confetti.

Epic facial expressions of epic people in an epic night
Ilang litrato lang ang aking pinakita sapagkat iba pa rin ang pakiramdam kapag nandoon ka sa mismong piging. Abangan niyo na lang ang After Plates 2.0!

Thursday, October 22, 2015

May Gahddddd!

Naiistress na ako ngayon sa pinapagawa sa akin. Hahaha. Wala lang. Share lang.

Sa ngayon, BAKIT NGAYON KO LANG NAISIPAN I-UPDATE 'TONG BLOG NA 'TO? 'Yan ang aking katanungan sa ngayon. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na dapat masundan ko ang mga ganap sa mga huling buwan ng aking mga orig batchmates dahil graduating na sila. Oh well. What's done is done. Bawi na lang, 'tol. Magpapasalamat nga pala ako kay Neil dahil pinaalala niya ang blogs sa akin. *winks*

Sa bagay, naging abala naman kaming lahat lalo na yung mga original ka-batchmates ko. Naging punong abala sila sa kani-kanilang thesis pati na rin kaming irregs sa aming munting baby thesis. Nako. Napaka-time-consuming ang mga pinapagawa. Hindi pwede basta-basta lang ang gawa at magprocrastinate dahil kapag ganoon ang nangyari, sa dulo ay maluluto ka, with seasoning.

Siguro ang magagawa ko na lang sa blog na ito ay THROWBAACCKKK ng samu't saring mga kaganapan at pangyayari sa limang taong ko pananalagi sa kolehiyo ng CAFA. Abangan ang mga susunod na entries! Total, sembreak na rin naman namin.

Sayang talaga wala akong matinong camera para makakuha naman ako ng mga litrato. Huhubels. Gawan na lang yan ng paraan. Karamihan ng mga litrato ay handog mula kay Raniel (with paalam po ito). Hahaha.

Tuesday, June 16, 2015

Ang OJT Recognition Event 2015!

Nung ika-30 ng Mayo taong 2015, may naganap na OJT Recognition Day sa loob ng aming munting kolehiyo bilang pagdiriwang sa aming pagtatapos ng on-the-job training nung summer. Required kami mag-undergo ng OJT para na rin sa aming ikabubuti. (Naks naman!) Isang malaking tulong na rin ang OJT sa pagbabawas ng required hours bago makapagboard exam. Bale dalawa ang aming OJT. OJT 1 & 2. Ang OJT 1 ay para sa office related work habang ang OJT 2 naman ay site or construction related work. Dahil sa OJT, naeexpose kami sa mga trabahong pang arkitek.

First time ko lang maging taga-kuha ng mga larawan sa isang event. Si Raniel dapat yung magdodocument pero may gagawin pa raw siyang mahalaga na related sa event na iyon. Hindi ko aakalain talaga na mangyayari yun sa akin. Hahaha. Matagal ko na gusto ipursue ang photography yet wala lang akong kagamitan para sa passion na iyon. Well, at least sa araw na iyon naachieve ko naman maging taga-document ng isang event. Share lang. Ganun pala ang pakiramdam.

Ang eksena sa likuran habang nagsasalita ang speaker for the event. Mukhang lahat sila nakikinig ng husto.
Picture muna. Hahaha!
Picture muna muli. Hahaha! Mas nauna pala itong litrato na makunan kesa nung previous.
Ang buong congregation pagkatapos ng annual OJT Recognition Event.
Ang bilis lang pala nung event. Akala namin mga limang oras aabutin dahil yun ang nakasulat sa announcement. Wala pang limang oras, tapos na yung event. Syempre hindi mawawala ang pagkain after ng event. Woooo! Yehey para sa Subway sandwiches, Pan de Manila donuts, at softdrinks! Happy eating, guys! Syempre hindi mawawala pa rin ang pagkuha ng mga litrato.

Picture muna habang nakapila sa pagkuha ng mga pagkain! Sayang na-blur sa kaliwa ang isang ka-batchmate namin.
Picture pa moreeeee habang hindi pa nakakakuha ng pagkain.

Pagkatapos kumain, hindi pa rin nawawala ang pagkuha ng mga litrato. Hahaha.

May happy tummies na silang lahat. Hahaha!
Photobomb pa. Hahaha!
Kasama na rin ako sa isang litrato. Yehey!
Patunayan niyong dalawa na totoo ang forever. Hahahahaha! Ayieeeee. Hart hart.
Picture sa may stage. Smile lang!
At sa aming paglabas ng mala-auditorium na lugar, nagpatuloy ang pagkuha ng mga litrato bilang pagrecord ng mga memories sa kanilang huling OJT recognition day.

Tambay muna sa may South Wing habang hinihintay yung ibang organizers ng event.
Then nung nakalabas na ang mga organizers ng event, bumaba kami at may sumalubong ng higanteng pizza sa amin. Treat ng president ng isang section iyon dahil makakatuntong na sila ng one year higher sa course. Celebration kumbaga. Congrats sa inyo!

Big Guys' 36 inch pizzaaaaaaaa! Yum yum yum!
Later on, pagkatapos makalasap ng masarap na pizza, lumabas kami ng building at tumambay sa may freedom park ng unibersidad. Nagkwentuhan, nagtawanan. Syempre hindi mawawala ang konting thrill or excitement habang nakatambay sa loob ng unibersidad.

Trial One. Hahahaha. Against the light nga lang.
Trial Two. Hahahahahahahaha. Hindi na against the light.
Pati na rin ang photo opportunity para mapalitan ang cover photo nila sa kanilang accounts.



Nakakatuwa lang ang araw na ito dahil doon ko muli naranasan na tumambay ng matagal sa loob ng unibersidad. Tapos wala pang masyadong tao dahil summer break pa rin nung panahong iyon. Iba ang taglay na kagandahan ng unibersidad pag kaunti lang ang tao, lalo na pag ang mga tao na iyon ay ang mga kaibigan mo na kasama mo lumaki sa kursong arkitektura.

Parang one big happy family kami rito. Woot woot~ Sayang hindi lahat nakasama sa litratong ito. Oh well. Haha.

Monday, June 15, 2015

Second week na pala ng pasukan!

Kay bilis nga ng panahon. Parang last week lang kakasimula lang ng pasukan. Nakakatuwa nga last week dahil ang dami mga bagong mukha na nakikita sa loob ng gusali. Fresh faces kumbaga. Sinu-sino kaya sa kanila ang magtatagal sa buhay arki? Bwahahaha! Sinu-sino rin sa kanila ang mga magiging kalahok para sa mga patimpalak pagsapit college week? Aabangan ko yan!

Sa ngayon, nababalitaan ko na naghahanda na ang mga 5th year para sa kani-kanilang thesis proposals. Thesis it! kumbaga sa kanila. Samahan mo na rin ng hashtag. #ThesisIt! Sa bagay, thesis na lang ang naghahadlang sa kanila para makapagtapos na rin ng pag-aaral sa kursong arkitektura. Malapit na rin magtapos ang kanilang lakbay sa bilang mag-aaral ng arkitektura sa aming unibersidad.

At sa tropang irreg naman, ayuuun, nagbibigay na ng mga gawain ang aming mga propesor. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang mga bigat ng gawain. On the other hand, nakakaexcite rin. Lolcakes. May case study kami para sa isang subject. Case study is equals to official gala. Adventure na ito!

Wala lang. Inupdate ko lang pala kayo. Hahaha. Puro spoilers ng Game of Thrones mga naririnig ko ngayon. Hindi pa ako nakakapagdownload ng episode 9 at 10. Bawal spoiler. Pinapatay sila. Congrats nga pala sa 'Pinas dahil wagi sila sa basketball kanina sa Sea Games. Ang galing pala maglaro ni Kiefer Ravena. First time ko lang siya mapanood maglaro. Share lang.

Ang unang post!

Ito na pre! Nakagawa na rin muli ako ng blog tungkol sa nakakamatay na buhay arki!

Well, medyo matagal ko na rin ito binabalak. Last summer lang. Haha. E kasi 5th year na rin e. Nais ko lang naman mairecord ang mga bagay-bagay na mangyayari sa loob ng sampung buwan. Gagraduate na rin kasi ang mga kaibigang kong regular next year. Ako next next year pa. (Huhubels. Kaway-kaway sa tropang irreg!) Akalain mo yun? 5th year na kami? Kay bilis nga naman ng panahon. Parang dati lang ang inosente pa namin sa buhay arkitektura.


Sa blog na ito balak ko isulat ang mga naiisip or nangyari or random experience or kahit ano man iyon. Wala lang. Para may pang throwback din pagkagraduate. Hahaha! Balak ko rin mangthrowback ng mga kaganapan sa mga nagdaang taon sa blog na ito. Syempre masarap din naman balikan ang mga memories na iyon diba?


Balak ko nga nung una mga blueprint yung background ng blog na ito (salamat sa template ng Blogger na pwede icustomize). Hindi mawawala sa buhay natin ang mga plano at blueprint na minsan hindi naman blue at may amoy pa). Kaso kape ang nilagay ko. Bakit kape? Parte na ng buhay natin ang kape, kahit hindi ka man nagkakape. Malaking tulong ang kape sa puyatan days. Starbucks man yan (wow sosyal) or Kopiko (wow pwede na), masarap langhapin ang amoy ng kape. Wala lang. Share lang.


Abangan ang mga susunod na posts. Bwahahahaha.