Wednesday, May 17, 2017

Pitong Napagtanto Mula Sa CONEX 2017

CONEX 2017 at SMX Convention Center
Ang United Architects of the Philippines (UAP) ay nagho-hold ng isang official convention exhibition sa SMX Convention Center tuwing buwan ng Abril. Mas kilala itong convention na ito bilang CONEX. May mga seminars sa event na ito pati na rin ang pag-showcase ng iba't ibang produkto, serbisyo, at teknolohiya. Kadalasan libre lang ang admission dito at marami ka pang makikita at matututunan.

Nag-solo flight ako ngayong taon. May mga bagay lang ako na napagtanto. Ngayon ko lang ito naisulat. Hahaha.

1. Ang CONEX ay isang magandang oportunidad para matuto o malaman ang mga realidad sa mundo ng arki, na hindi matututunan kaagad sa loob ng silid-aralan.

2. Marami pa nga talaga hindi ko alam sa mundo ng arkitektura at konstruksyon. May mga bagay pa rin na hindi ko pa rin alam kung ano ang kanyang gamit at kung paano ginagamit.

3. Minsan masaya mag-solo flight sa mga ganitong events. Matututo ka talaga mag-rely sa sarili. At saka, there's satisfaction in anonymity.

4. Pero minsan malungkot sa pakiramdam na mag-isa ka sa mga ganitong events dahil ang mga taong nakakasalubong mo, may mga kasama at minsan grupo pa sila umiikot. Ang hirap din minsan kasi wala kang karamay sa saya and learning.

5. Dito mo minsan makikita o mararamdaman na kapag wala ka pang masyadong nararating (halimbawa: hindi ka pa arkitekto, atbp.), hindi ka papansinin masyado ng ibang booths. Hindi sila yung kusang lalapit sa'yo. Isang realidad.

6. Kahit hindi ka masyado pinapansin or ineentertain dahil estudyante pa lang, hindi naman ibig sabihin nito hindi mo na sila pwede lapitan o kaya mag-inquire roon sa booth na iyon. Dito mo makikita na kapag wala kang ginawa, wala ka rin mapapapala. Kadalasan naman, kapag ikaw ang unang kumilos, ieentertain ka nila.

7. Kaya huwag mahihiyang magtanong. Huwag mahihiyang sumubok. At huwag mahihiyang magkamali. It's part of the growth process.

Minsan

Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung ano nga ba ang ginagawa mo sa ngayon sa buhay, at kung ano nga ba talaga gusto mo marating sa buhay. At saka kung masaya ka nga ba talaga kung nasaan ka man ngayon.

Tuesday, May 16, 2017

Nakalimutan ko.

Regarding sa previous entry, tamad nga pala akong tao.

Bahala na talaga sa lahat.

Monday, May 15, 2017

Hello.

Gusto ko magsulat dito palagi pero hindi ko na rin alam kung ano pwede ko isulat kasi napapaisip din ako kung bubuhayin ko pa ba yung isang blog ko sa WordPress. Hahaha. Balak ko roon ilagay lahat ng may "feels". Kaso hindi ko rin alam kung ano pwede or magandang isulat. Pakiramdam ko kasi somehow medyo pinipilit ko yung feels minsan, kahit hindi naman palagi.

Anubayan. Sabi ko pa naman buhay arki yung isusulat ko rito pero hindi ko naman nagagawa, yung tipong buhay arki galing sa point of view ko, tapos nakasulat pa sa Tagalog. Anyare? Huhuhu. Pakiramdam ko tuloy puro pagra-rant lang ang ginagawa ko rito. Hahaha. At saka hindi pa purong Tagalog ang pagsusulat ko rito. Huhu.

Kailangan ko talaga ng tulong, tiyaga, at disiplina.

Hindi ko naman talaga binalak mag-arki. Naligaw lang naman ako rito. Pero throughout ng pag-aaral ng arkitektura, natutunan ko naman din ito bigyan ng pagtingin. Isa sa mga rason kaya nabuhay itong blog ay para lumakas pa lalo ang pagtingin ko sa arkitektura. Isa rin sa paraan para lumakas ang pagtingin ay ang pagbili ng mga shirts na may nakalagay na architecture-related stuff, atbp. Pero siguro ang pangunahing rason talaga ay para lang may mga masusuot ako pamasok.

Siguro pagpapatuloy ko na lang talaga itong blog bilang isang informal blog or something. Random thoughts collection bukod sa journal sa bahay.

My Kind of Summer

*Disclaimer: Photo's not mine. Credits to the owner. Original post can be found here.