Sunday, January 31, 2016

Huhubels

Wow. Bagong taon bagong post huhubels na kaagad ang pamagat? Well, sa bagay, naiistress kasi ako ngayon. Ang daming gawain na dapat matapos na. Numero uno riyan ay yung kahilingan ng mga kaibigan na pagtulong sa kanilang thesis. Unti-unti na rin kasi lumalapit ang araw ng pasahan. Ang araw ng paghatol sa mga graduating students. Hopefully hindi kami magbubukas ng membership drive ngayong sem. Tama na yung dami naming mga irreg. Sapat na sa isang section. At saka, sino na ang manglilibre sa amin pagdating ng panahon kung kailan stress na kami sa thesis? HAHAHA! XD Anyway, pangalawang factor naman ay yung plato sa Design. Nangangati na ako simulan iyon. Ayoko magrush (lol bawal magsalita ng hindi tapos hahaha). Kaway-kaway sa mga kagrupo ko riyan!

Naiistress ako kasi ang bagal ko gumawa pati na rin sa mga panahon na akala ko matatapos ko kaagad ang isang gawain ngunit hindi pala. Ayun lang naman. At saka nauubusan na ako ng pasensya. Huhu. Hindi ko magawa-gawa ng maayos sa SketchUp yung dapat itsura nung gusali. Yung tipong mas madali kung iguguhit mo na lang ito kesa pagtiyagahan pa sa SketchUp.

SketchUp pa moreee. Hindi ko maalign ng maayos yung bubong nung gusali. Huhubels,

Nanghihinayang nga ako sa oras na naigugol ko sa pag-aayos ng SketchUp dito sa isang laptop. Bumibigay na kasi si lappy (sorry lappy huhuhu) dahil mababa lang ang kanyang specs. Basta nagkaroon ng problema. Huhubels. Ayuuuun. Ang paghahanap ng solusyon ay kinain ang oras ng paggawa or pagtulong sa nangangailangan. Hindi ko tuloy mapigilan maging pessimistic or maging nega sa kakaisip kung matatapos ba ang mga ito sa oras.

Pero dude, ano maitutulong ng pagiging ganoon kundi magpapalala lang ng sitwasyon? Sayang ang oras kung magiging ganoon ang thought life sa ngayon.  At saka dapat maniwala lang talaga sa mga kaibigan na matatapos nila ang kanilang thesis on time. Automatic na kasama sa package ng pagtulong ay ang suportang moral sa kanila. Ikaw nga dapat maging sandalan nila dahil nasa crucial time sila, na dapat magpatuloy lang ang paniniwala at pagtiwala sa kanila kahit ano man ang mangyari. Maraming good times ang naganap pero ito na yung bad times na sinasabi nila. Diba sabi nga nila, "Just believe and you're halfway there"? Madali lang bumigay pero mahirap mamuhay sa mundo ng "What ifs" na yan.

Friend: "What if kung hindi ko natapos?" (Such a negative tone)
Ako: "What if kung natapos mo?" (Dapat ganito lang. Positive!)

Namimiss ko na talaga ang pagsusulat. Ang sarap sa pakiramdam talaga. Haha. BAKIT BA KASI NAKAKALIMUTAN KO ITONG BLOG NA ITOOOO? Gusto ko tuloy magsulat lang ng magsulat ng entries dito sa ngayon, kung anu-ano na ang mga nangyayari and such. Tignan mo nga naman, nakapagbayad na sila ng kanilang application for graduation. Ilang buwan or linggo na lang, kitakits na sa PICC [insert mixed feelings here].

Sorry kung puro rant na lang ang nilalaman ng blog na ito. Huhu. Nakakastress maging arki kaya kung mag-aarki ka man bilang iyong kurso sa kolehiyo, magdalawang-isip ka na. Well, matrabaho siya pero masaya kasi for sure lalawak talaga ang mundo mo kapag naging parte ka sa mundo ng arkitektura.

Pakiremind na lang ako na may blog pa ako na dapat i-update palagi. HAHAHA! Salamats!